Chapter 71

6.3K 171 17
                                    

~*~

Mikay's POV

"Micka! Mahal" pabulong na pagtawag ni tito kila Micka at tita ng makita namin ang kwarto kung saan sila naka kulong.

Kagaya ng sa 'min. Kulob din ito pero mas malalaki ang mga bintana pero matataas ang mga ito. Sakto lang kapag tumayo ka.

"Dad?"

"Micka gisingin mo ang mama mo!"

Pumasok si tito sa kwarto nila pagkatapos nitong buksan ito.

Buti nalang talaga at magaling din si tito sa paglaban kaya naman napatahimik nito agad ang tatlong gwardya na nag babantay sa amin.

"Tara na!" Lumabas na sila kaya naman tumakbo kami para mag hanap ng malalabasan.

Nang nakalabas kami sa isang mahaba at mababang lugar na puro kwarto isang malaki at malawag na abandonadong building pala ito. Na sa tingin ko ay isang Mental Hospital pero bakit ganun yung style ng kwarto?

Patago tago kami habang nag hahanap ng pwedeng takasan. Mahigpit ang paghawak ko sa kamay ni mama para di ito mahiwalay sa akin.

"Hoyy!!" Napa tigil kami sa pagtakbo at napa tingin sa taas kung saan galing yung sigaw.

May isang lalaking naka itim at may hawak na baril.

"Takbo!! Bilis!!" Sigaw ni tito at hinila kami.

Napahinto kami ng biglang may mga humarang sa aming apat na lalaking mga tauhan ni Hunter.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng isa sa kanila.

Sabay sabay nila kaming tinutukan ng baril kaya naman kinabahan ako bigla.

Hinarap sila ni tito habang kami naman ang nasa likod nito.

"Hayaan nyo na silang tumakas. Kahit ako nalang ang patayin nyo wag nyo lang silang idadamay" sabi ni tito.

"No! Dad!" ani Mikay

Hinawakan ni tito ng mahigpit ang kamay ni Micka at tinignan ito.

Para bang mag sinasabi ito sa mga tingin nya kay Micka, tumingin din sya kay tita. Sa tingin ko ay nakuha naman nila kung ano man ang gustong sabihin ni tito kaya tumango ang dalawa.

Tinignan din ako nito. Gaya ng tingin nya kila Mikay. Tumango nalang din ako dahil ramdam kong may plano si tito.

"Hindi pwede yan! Pinag bilin ni Boss na kailangan namin kayong bantayan"

Humarap si tito sa kanila.

"Talaga ba?"

Nagulat kami ng mabilis nalang napunta si tito sa likod ng mga ito at si Tita naman ay isa isang sinipa ang mga kamay nila kaya nabitawan nito ang mga baril nila. Si Mikay naman sinisipa palayo ang mga baril nila para di nila ito maabot agad.

At ang sunod na nangyare ay nandito na si tito sa harapan namin ni mama, si tita ay nasa likod namin at si Micka naman ay nasa gilid namin. Kami ni mama ay nasa gitna.

Dalawa ang hawak nilang mga baril.

"Micka. Put that down"nagbabantang sabi ni tito habang di naka tingin sa kanya.

"No dad! I want to be like mom. Malay mo sa ganito ko din makilala si poreber diba!" Naka ngising sabi ni Mikay.

"I said put that down~"

"Denver. Hayaan mo na ang anak mo. Marunong sya sa ganyan" pag puputol ni tita sa usapan nila tito.

Ibang klase din si Mikay ano. Ganyan talaga sya makipag usap sa mga parents nya. Pero ang galing nya. Kaya nyang humawak ng baril. Di ko inaasahang may side pala syang ganyan. Pero sa bagay may mga kuya syang mga gangster tapos pati ata parents nya mga gangster din dahil nasabi nga nya kanina baka sa ganito nya din mahanap si poreberr nya kaya ayan. Siguro sa ganito nagkakilala sila tito at tita.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon