~*~
Mikyla's POV
"Ya, tapos na po akong kumain" tawag ko kay yaya Luring. Agad namang syang lumapit dito at kinuha ang pinagkainan ko.
"Sige po ma'am" sambit niya.
"Ya, Mikay nalang po" sambit ko na ikinangiti nya
"Oh sige Mikay." Ngiting sabi nya at kasabay 'non ang pag alis nya.
Nandito ako sa sala ngayon at nanunuod ng Spongebob. Favorite ko yun e. Bakit ba.
Grabe ang boring palang magkasakit. Bakit pa kase ako dinapuan ng lagnat. Ganun naba talaga ako di sanay sa pagpupuyat sa pagbabantay kay tita Leny.. ay! Mommy Leny pala. Siguro naman makakapasok nako bukas.
Napa-kamot nalang ako sa ulo ko habang nakatingin sa TV.
"Mikay!" Napa-lingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. Agad na lumawak ang ngiti ko ng makita si Mikay na may malawak na ngiti at patakbong lumapit sa akin. Tumayo ako agad at sinalubong sya ng yakap.
"Okey kana ba?" Tanong nya ng humiwalay kami sa yakap. Tumango naman ako sa kanya.
"Yieee. Namiss kita" sambit ko at niyakap sya ulit.
"Ako din" masayang sambit nya at niyakap din ako.
Napansin ko naman si Jeon na nasa likod ni Mikay kasama sila kuya. Ngumiti sya sa akin at etong walang hiyang puso ko. Kabog ng kabog.
Ramdam kong nag iinit ang mukha ko kaya humiwalay ako sa yakap namin ni Mikay at hinila nalang sya paupo sa sofa.
"Uy bes, spongebob. Nanunuod ka nyan?" Tanong ni Mikay sakin kaya napalingon ako sa TV.
Ayy shet!. Ano ka ba naman Mikay nakakahiya kay Jeon.
"Haha. Bata pa ang kapatid ko e." Sambit naman ni Kuya Jimin.
"Urgh. Kuya" inis na sabi ko sa kanya.
"Oh sorry na biro lang naman e" sambit niya at tinaas ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.
Huminga ako ng malalim at nilingon si Mikay.
"Ah. H-hindi bhes. N-nalipat lang yung channel." palusot ko at agad na nilipat sa ibang channel yung TV.
Kahit labag sa kalooban ko ang ilipat yun. Wala akong magagawa. Nakakahiya kay Jeon.
Halos di nga ako maka tingin e."Kumusta kana?" Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko ng lumapit sa akin si Jeon at tanungin ako.
"A-ah! Ayos nako!" Sagot ko at ngumiti. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Alam ko naman kaseng namumula nako dahil sa init ng mga pisngi ko. Nakakahiya talaga.
Palipat lipat ng tingin ko kay Jeon at sa ibang direksyon dahil sa pagngiti nito. Wala sa sariling napatigil sa tingin ko sa kanya.
"Mahilig ka parin sa spongebob" nagulat ako ng bigla nya iyong itanong mas lalong uminit ang pagmumukha ko..
Naalala nya padin. Nung mga bata kami sabay naming pinapanuod yun..
"Ahh. Hindi naman. Nakaka-intertain kase tsaka di ko naman maalis na di panuorin e" napa-haplos ako sa batok ko dahil sa hiya..
"Sabagay.. sabay nating pinapanuod yan noon" anito. Napa-angat ang tingin ko dito...
"Hoy. Kayong dalawa dyan kakain na" napa-lingon kaming pareho sa pinto ng kusina ng marinig ang sigaw sa amin ni Jimin oppa.
Panira ka naman kuyaaa..
"Tara" pag aaya sakin ni Jeon ng naka ngiti. Napangiti nalang din ako at sumabay sa kanyang naglakad palapit sa kanila..
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..