Chapter 45

7.5K 280 30
                                    

~*~

Drake's POV

Naglalakad ako para pumunta sa PRoom namin dahil may kailangan akong kunin doon nang naka salubong ko si Amira na di mapinta ang mukha.

"Amira. Anong ginagawa mo dito" tanong ko dito ng medyo magkalapit na kami pero tila ba di nya ako nakita at nilagpasan lang ako.

Anyare dito? Bakit parang wala sya sa sarili nya.

"Amira" pag tawag ko uli at saka ko hinawakan ang bras nito kaya naman napalingon ito sa akin na tila ba gulat na gulat?.

Para siyang nakakita ng multo.

"A-ahh. I-ikaw pala kuya Drake" utal na sambit nito na tila ba gulat padin.

"Okey kalang ba?" Tanong ko dito.

"A-ahh. Hmm." Tumabgo ito "Okey lang ako" ngumiti nalang naman ito sa akin at umiwas ng tingin.

Mukhang may problema talaga siya..

Di kaya nagkasalubong sila ni Zorren dito? Haist. Ano nanaman kayang pinagsasasabi nung mokong nayun.

"Uhmn. Oo nga pala kuya Drake" pinaharap nito ang bag nya at binuksan ito. May hinahanap ito doon.  "Eto na pala yung book" inabot nya naman sa akin yung book na hiniram ko para sa review ko.

Inabot ko na lang naman ito. Mag tatanong pa sana ako ng bigla syang nagsalita.

"Ah sige kuya. Balik nako doon. Bye" aniya at tumakbo na paalis..

Napa buntong hininga nalang ako.

Zorren... Tsk

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad paakyat ng third floor at pumasok sa Proom. Nadatnan kong naka higa si V hyung sa sofa.

"Hyung. Nagkasalubong ba kayo ni Amira kanina?" Bungad na tanong ko dito kaya naman tinignan nya ako.

Tumango ito sa akin.

"May sinabi kaba sa kanya" tanong ko uli.

Pero tinignan nya lang ako at pumikit ulit.

Haistt. I know that style. He will just ignore you if he don't want to talk on something.

"Zorren" sambit ko

"I just say 'Hello" anito.

"And?" Bigla naman itong naupo mula sa pagkakahiga sa sofa.

Nagkibit balikat ito sa tumingin sakin. "Ayun lang" pag sisinungaling nito.

Kumunot ang noo ko dahil dito.  "It's really hard to live with a liar"sambit ko dito.

"Zorren Vee Clanford? Tell me"

"Urgh.. Bakit ba kilala mo akoo!!" Magktol nito.

He's right kilala ko sya. Hindi lang yung kilalang alam ko yung pangalan pero yung kilalang alam kong nagsisinungaling sya o may di sinasabi.

"I just apologized" anito. Sinungaling na bata.

"Apologize for what?" kunot noong sambit ko.

"For what I did" sagot nito.

Tumaas naman ang isang kilay ko.

"Okey. For everything" finally. Nag salita din ang bata. Tsk. Pinahirapan pa ako.

"Good boy." sambit ko at ginulo ang buhok nya.

"Ano ba hyung. Di ako aso" maktol nito at saka inayos ang nagulo niyang buhok.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon