~*~
Zorren's POV
"Zorren! Ilang beses ko ba namang sasabihin sayo na~" diko na pinatapos pa di dad..
"Na ano dad? Na hindi mo sya tanggap? Na hindi mo tanggap si Amira?! Dad naman!" Pag papatuloy ko.
"Hindi yun ang point ko!"
"Yun nadin yun! Kahit anong sabihin nyo gusto nyo lang talaga akong ilapit kay Dianne para sya ang mapangasawa ko."
Sa tingin ko kung diko lang ama tong nasa harapan ko ngayon malamang isang damakmak na pasa na ang nakuha nya mula sa akin pero hindi e.
Gusto kong sumapak dahil sa mga pinagsasasabi ni dad tungkol kay Amira. Bakit ba ayaw nya kay Amira? Dahil ba mahirap sila ganun? At ano? Pag kay Dianne ako napakasal gusto nyang madagdagan ang yaman nya ganun?.
"Gusto nyo lang naman kaseng madagdagan ang yaman nyo diba?!"
Napa ngiti ito. "Alam mo naman pala"
"Urgh!"
"Zorren!" Agad akong hinawakan ni hyung at hinila palayo kay dad. Buti nalang at andyan si hyung at pinigilan akong di masapak si dad.
"Dad! Isipin nyo naman po ako! Isipin nyo naman kung ano ang gusto ko!"
"Naisip mo nadin ba ang mga bagay na sinira mo noon dahil sa katangahan mo sa pag ibig ha? Pano nalang kung yang Amira nayan din ang manghila ulit satin pababa ha? Naisip mo na ba? Mga mahihirap pera lang ang habol!!"
"Denver tama na" pag suway dito ni mama.
"Zorren!"
At sa pagkakataon ngayon di ko na napigilan pa ang sarili ko at sinapak ko na si dad kaya bumulagta ito sa sahig.
"T*angna dad!! Hindi kagay ni Amira si Zaira!! Iba sya! Kung si Zaira padin ang kinukumpara nyo sa kanya isipin nyo naman kung may pagkakapareho talaga sila!!" napa luha na ako sa galit, inis at sa sakit na raramdaman sa mga masasamang iniisip ni dad sa babaeng mahal ko.
"Mahal ko si Amira dad! At alam kong ganun din sya! Oo alam ko wala syang kayang ipakita at ibigay sa inyong yaman pero hindi sya gaya ng iniisip nyo! Kung gusto nyo ng pera ako nalang ang pag bayarin nyo pero wag nyo naman sanang pag isipan pa ng ganyan si Amira!!"
Napahawak nalang ako sa ulo ko at agad na lumabas sa office ni dad. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ako nanira ng mga gamit.
Yung mga aklat ko doon pinag tatapon ko. Yung mga vase binato ako at itinumba lahat ng nandun. Kahit yung TV ko doon di naka lampas at agad kong binasag ang screen nito. Talaga bang wala na akong nagawang tama sa kanila para kahit dun pigilan pa ako?. Bakit sa simpleng bagay na ito di pa nila ako pag bigyan? Baka naman siguro ayaw nila akong sumaya dahil ayaw nila ulit na mawalan ng yaman ganun ba yun?.
Putang inang buhay to!!! Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng isipin ni dad tungkol sa babaeng mahal ko ay ang mga gaya pa ng mga nakikita nya kay Zaira.
Oo nagpakatanga ako noon kay Zaira dahil sa mahal ko sya at alam kong mahal nya din ako pero talagang gutom lang sya sa yaman kaya kahit na masaktan ako ay okey lang basta makuha nya lang ang yaman na ibibigay sa kanyan ng ama nya ..... pero si Amira?.
Iba sya! Hindi sila magkapareho ni Zaira.
Dahil si Amira. Mabait, mahinhin, at tahimik. Ang nag iisang nerd na nagpasaya sa buhay ko. Isang nerd na akala ko ay diko mamahalin dahil sobrang imposible talaga. Pero nag bago lahat ng ipakita nya ang tunay na sya. Yung Amira na mabait at masayahin. Kung nung una ang pagiging malditang nerd lang ang inaasal nya pero nung tumagal ang samahan namin nagbago lahat. Naging isa syang masayahing babae na ngayon ko lang nakita.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..