~*~
Mikay's POV
"Oh eto, magbihis kana" ani Zorren.
Pinuntahan namin sila dito sa Room nila."Salamat" sagot ko naman dito at ngumiti.
"Ano ba talagang nangyare Amira? Bakit binuhusan ka nya ng juice?" Tanong ni Kuya Drake sa akin.
"Wala kuya Drake. Bigla nalang naman syang dumating, tapos parang iniinis nya ako sa mga sinasabi nya" sagot ko dito.
"Oh e bakit ganyan ka?" Tanong naman ni Kyler at tinignan ang itsura ko.
"Eh kase binuhusan nya ako ng orange juice. Hindi ko naman sya inaano" sagot kopa dito.
"Grabe naman yung babaeng yun. Masyado na syang mapag malaki" ani Zake.
"Hayaan nyo nalang yun. Hindi naman nasaktan si Amira e." Sambit naman ni Blake.
"Tama na yan. Pag bihisin nyo naman yung panget!" sigaw ni Zorren. Sinamaan ko lang naman ito ng tingin. Bwisit nato.
"Ano" tanong nito sa akin pero diko sya sinagot.
Tumayo ako habang naka tingin padin ng masama sa kumag nayon. Kala mo kung sino. Di naman gwapo. Hanggang sa makapasok ako sa CR ng private room nila masama padin ang tingin ko sa kanya. Isa din kaseng tanga. Sinusundan pa ako ng tingin.
*Zorren's POV
"Mga kuys, mauna na kami. May gagawin pa kami e" paalam ni
Mikay kasama si Julie."Kami din hyung. Gutom na kami kanina pa" natawa naman ako sa sinabi ni Zake hyung, tumango nalang ako at umalis na sila.
"Pano hyung? Tara na din, malapit na magtime" sambit naman ni Jeon.
"Mauna na kayo" sagot ko naman dito.
"Bakit naman?" Tanong nito.
"Mga loko ba kayo. Hihintayin ko si panget alangan namang iwan natin dito" sagot ko sa kanila.
"Aba. May plano ka yata ah boy!! Haha!!" nakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jin hyung.
"Anong plano kayo dyan. Wala ah.. Mga loko kayo!" Sigaw ko sa kanila dahilan para magtawanan sila.
Mga loko talaga. Hahah.
"Oh pano, sige na mauna na kami" ani Jin hyung. Tumango nalang naman ako.
"Pag butihin mo hyung ha. Wag masyado" pang aasar naman ni Jimin hyung. aba mga gago talaga sila.
"Gago!" Sigaw ko sa kanila. Isinarado naman na nila ang pinto.. At kahit nakasarado yun dinig ko padin ang mga tawanan nila. Mga iba talaga isip ng mga yun. Mga tarantado.
*Mikay's POV
Pag tapos kong mag bihis at mag ayos ayos, lumabas na ako. Baka kase mag time na.
Pagbukas ko ng pinto si Zorren nalang nakita ko na naka upo sa sofa ng naka talikod sa akin, at wala sila Mikay.
"Oh asan na sila?" Tanong ko dito sabay ng pagsara ko ng pinto.
Humarap naman ito sa akin, nagulat nalang ako ng nakita sya. Seryoso? Kumakain sya ng lollipop? 🍭
Inalis nya yung lollipop na subo subo nya bago nagsalita.
"Nauna na sila. Antagal mo daw kase" bigla namang nagbago itsura ko sa sinabi nya. Ansama ha. Hindi naman ganon katalagal ako magbihis e.
"Ang sama. Di naman ako matagal magbihis ah" sabat ko dito.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..