~*~
Mikay's POV
Nang makarating kami sa school biglang lumabas sila Julie kase parang walang katao tao sa school. Nakakapag taka kase sigurado na yung ball na yun e. Meron pang mga invitation para sa mga estudyante tapos biglang di pala tuloy?.
Dalawa nalang kami ni Micka dito sa loob ng sasakyan dahil lahat sila nagpunta sa loob para tignan kung meron bang mga students.
Nag ring bigla yung cellphone ni Mikay kaya naman nag paalam ito.
"Beb. Puntahan ko lang sila Julie doon. Sabi kase kailangan daw ako e. Nandun sila ngayon sa faculty room e" paalam nito.
"Sama nalang ako. Wala akong kasama dito" Eh kase naman. Ang dilim dilim dito. Tanging itong ilaw lang dito sa sasakyan ang nakikita kong liwanag.
"Hindi. Okey lang. Babalik din ako dito pag di na ako kailangan doon okey" napatango nalang naman ako sa sinabi nito at tuluyan na siyang umalis.
Grabe naman oh.. Nakaka takot naman dito. Nakakapag taka talaga at walang katao tao dito kahit isa. Sobrang dilim pa ng buong campus. Nakaka takot.
Palinga linga ako ng tingin sa paligid baka may makita akong tao. Naka bukas ang bintana nitong sasakyan para may hangin na pumasok. Baka mamaya ma-suffocate pa ako dito e.
Nataranta ako bigla ng may narinig akong sigaw ng isang babae kaya naman agad kong linabas ang cellphone ko at tinawagan si Mikay pero out of reach.
Pati si Julie at si Kyler tinawagan ko na. Pati din si Jeon at si Blaire tinawagan ko pero di nila sinasagot.
Nataranta pa ako lalo ng maka rinig ako ng sigaw na pamilyar ang boses.
"Mikay" agad akong lumabas ng sasakyan at patakbong nagtungo kung saan yung faculty room.
"Mikay!!!" Sigaw ko.
"Julie!! Blaire!!. Nasaan kayo?!!!" Sigaw ko. Pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng naka rinig ako ng pagtawa ng kung sino sa likuran ko.
Nang hinarap ko ito nakakita ako ng isang lalaki na malaki ang katawan na naka tuxedo. Yung mga mata nya pulang pula at yung suot nyang damit may mga dugo.
"S-sino ka?" Utal na tanong ko dito pero tanging ang pagtawang demonyo lang ang sagot nito.
Paatras ako ng paatras habang sya naman ay palapit ng palapit sa akin.
"Amira!!" Napalingon ang lalaki sa kung sinong sumigaw sa likuran nito, maging ako ay napatingin din.
"Layuan mo sya.!" Sigaw nito.
"Alex. Tumakbo kana!" Sigaw ko dito. Naka dress din ito para sa Christmas ball na gaganapin sana. Tumakbo ito hindi para lumayo kundi para lumapit sa amin.
*BANG*
Napa sigaw ako ng biglang pumutok ang baril na hawak ng lalaki at nagulat ako ng biglang natumba si Alex.
"T-tum.. makbo. K-ka. na." Putol putol na sabi nito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumakbo.
Napaiyak ako ng marinig ang mga yabag ng lalaking kaninang naka harap ko. Lumingon ako dito at nakitang sumusunod nga ito sa akin. Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng pagpapaputok nito ng baril.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa naramdaman ko na parang wala nang humahabol sa akin.
Huminto ako sa isa sa mga bench dito at naupo. Napansin kong nasa tapat ako ng Science Lab. Nagulat ako ng biglang umilaw ang daan sa harap ko. Bigla ring may lumatag ditong red carpet kaya naman napatayo ako dahil naka rinig nanaman ako ng mga tunog ng sapatos. Malamang yabag nanaman yun ng lalaking humahabol sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..