~*~Mikay's POV
Maaga akong nagising ngayon, ewan ko kung bakit pero di naman siguro ako excited anoo.
First day ko kase ngayon sa New School ko, nagpaenroll lang ako nung isang linggo. Mag isa ko lang dito sa bahay, si mama kase nasa trabaho nya. Simple lang ang buhay namin at isang maid lang si mama ng isang mayamang pamilya.
Tsaka ewan ko nga kung bakit ako inilipat ng school ni mama e. Komportable naman na ako dun sa dati kong school.
Agad akong lumabas ng kuwarto at nagpunta ng kusina. Nagsimula akong magluto ng kanin at ulam. Matapos nun ay kumain at naligo na din ako at nag bihis. Humarap ako sa salamin, ayos naman etong uniform ng bago kong school. Masasabi kong bagay sa akin.
White plain long sleeve sya na may kwelyo tapos papatungan mo ng blazer na black na may puting lining sa lapels nys hanggang sa dulo ng blase papunta sa likod, pati na din sa braso nito. At skirt na stripes na red, black, white ang kulay. May logo na din ng school yung blazer ng at may ribbon pang design. Ang ganda nga e. Parang school uniform sa Korea.
Nagsuot na din ako ng black long sock at sapatos. Humarap akong muli sa salami, inayos ko ang buhok ko at isinuot ang makapal kong salamin.
Ako pala si Amira Mendez, isa ako nerd. Ang hilog ko lang ay ang magbasa ng libro. Mikay ang tawag nila sa akin.
Glayndon Academy
Narito ako ngayon sa harapan ng gate ng school na papasukan ko, ang sosyal naman ng pangalan nitong school na 'to. Pati ang gate ay maymagagarbong disenyo pa at kulay itim at ginto ang kulay nito lalo na ang pangalan ng school. Pang mayaman talaga, private school kase. At scholar lang naman kase ako dito.
Inayos ko ang itsura ko at ang uniform ko, inayos ko din ang makapal kong salamin at naglakad para pumasok sa school.
"Hello po" masayang bati ko sa guard.
"Hello" ngiting bati din nito. "Transferee ka dito iha?" Tanong pa nito.
Tumango ako. "Opo" maikling sagot ko.
"Ahh welcome to Glayndon Academy. Enjoy" anito at ngumiti sa akin.
Nginitian ko din ito. "Thank you po" sambit ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng school.
Natulala ako dahil sa sobrag garbo ng school na ito. Malalaking letra na gawa sa sinemto ang unang bubungad sayo kung saan makikita ang pangalan ng school.
G L A Y N D O N
A C A D E M YMay iba't ibang disenyo pa sa paligid nito at mga magagandang halaman na may ibang ibang kulay ang bulaklak. Mayroon ding LED lights na nakapalibot dito upang makita tuwing gabi.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..