~*~
Mickyla's POV
Natatawa ako sa reaction ni kuya kanina. Halata mo sa mukha nyang di bukal sa loob nya yung paghingi ng sorry kay Mikay. At nakakainis yon.
Eh anong magagawa nya, kaibigan ko yun kaya kung di nya yon gagawin sorry sya suyuin nya ang kapatid nya ng napaka raming buwan para lng mapatawad ko sya.
Eto namang si Mikay halata din kanina sa kanyang di sya naniniwala sa ginawa ni kuya V sa kanya, may binulong nga yata kase sa kanya si kuya e. Punyeta naman kase yon ikaw baga naman tung patidin ng wala kang ginagawang kasalanan, buhusan ng nagyeyelong tubig at ipahiya sa marami.
Talagang di mo mapapatawad yon ng ganon ganon lang. Syempre alam ko lahat yun dahil pinilit ko si Mikay na ikuwento sakin.
At ngayon nandito kami sa Private room isinama ko si Mikay para ipakilala na din sa kanila.
At ngayon kulang nalang magpatayan itong si Mikay at si kuya dahil sa pataliman nila ng tingin. Nagmemeryenda lang kami dito habang yung dalawa nagpapatayan sila sa tingin.
Katabi ko ngayon si Jeon. Hindi tuloy ako mapakali. Ang gwapo nya talaga. Matangkad, maputi, matangos yung ilong, maganda ang mga mata, tapos yung labi nya pinkish ang kulay. Parang anghel na nahulog mula sa langit.
Simula pagkabata palang kilala ko na si Jeon, kaibigan kase sya nila kuya, sobrang close kaya kami nito. Nung mga bata pa kami pero ngayon di na gaano kase mga teenager na kaya nagkakahiyaan na at tsaka matagal ko na din syang crush.
Kaso alam kong wala akong pag asa dito. Ang gwapo kaya nya. Baka mamaya mapahiya lang ako kung sinabi ko sa kanya na may gusto ko sa kanya tas sya wala pala. Masakit yon.
Ngayon balik tayo kila kuya at Mikay na patuloy pa din sa ginagawa. Matalim padin ang tinginan nila ni kuya at isang nakakarinding katahimikan ang namamagitan sa amin dito. Kaya bago pa ako mabingi dito binalak kong basagin ang salamin ng katahimikan na iyan para naman may mag ingay.
"Uhmn, kuya" sabi ko dahilan para matigilan sila sa pagpapatayan ng matalim na tingin ni Mikay. Si kuya talaga. Aishh.
"Hmm? B-bakit?" Utal na tanong niya.
"Uhmn napansin kolang ha~" napatigil ako ng sikuin ako ni Mikay sa tagiliran ko. Ano nanaman bang problema ng babaeng 'to?.
Nakita ko naman sinamaan nanaman ni kuya ng tingin itong si Mikay kaya tinuloy ko sa sasabihin ko. "Napansin ko, bakit parang wala si kuya Jin?" Tanong ko sa kanila, huminga naman ng malalim si Mikay na nasa tabi ko.
Ano bang problema neto?.
"Uhmn. Ewan ko" kibit balikat nyang sagot.
"Oo nga parang wala sya, asan na kaya yon.." ani kuya Yoongi.
"Nag chicks lang yon" sagot dito ni kuya Hobi. Grabe siya sa chicks ha. Di na nagbago.
"Ayan ka nanaman sa chicks chicks mo e" sabat naman sa kanya ni kuya V. Babaero talaga sya. Tsk. Tsk.
"Oh Speaking of Jin.." ani kuya Jimin. Para-pareho naman kaming napa-tingin sa bumukas na pinto at saka pumasok ang isang Kyler Jin Crizz, na kuya ng lahat..
"Sinong babaero?" Bungad nya sa amin.
"W-wala" todo deny ang babaero ng grupo.
"Ikaw daw hyung sabi niya" tinuro ni kuya Joon si kuya Hobi. Ngiting aso namang tumingin kay Kuya Jin.
"Hoy, wag mo akong igaya sayo" ani kuya Jin sabay tinuro kay kuya Hobi. Naupo ito sa sofa at pinag krus ang mga braso.
"Ikaw lang naman babaero dito" natatawang ani ni kuya Yoongi ng di man lang tumitingin sa kanila at patuloy lang sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Novela JuvenilMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..