Chapter 32

8.3K 239 6
                                    

~*~

Zorren's POV

Nang naka uwi ako sa bahay agad na sana akong papasok sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok ay tinawag ako ni Micka.

"Kuya, musta date?" Tanong nito habang nagtatalon palapit sa akin.

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyare kanina, parang nagguiguilty ako sa ginagawa ko sa kanya.

Sa pinapagawa ko kay Amira. Yung totoo kapag nakikita ko syang ipinagtatanggol ako bilang fake boyfriend nya. Pakiramdam ko totoo yung ginagawa niya e.

Sa oras na makikita kong pinagtatanggol nya ako may kakaiba akong nararamdaman.

"Micka. Pwedeng mamaya nalang muna pagod ako e" sagot ko dito kaya napa similangot ito. Tumango nalang ito kaya tuluyan na kong pumasok sa kwarto ko.
*

Mikay's POV

Pag katapos kong magbihis ng damit ko agad akong nahiga sa hihaan ko. Tinitigan ko yung dress na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kisame ng kuwarto ko. At habang nagmumuni muni ako, bigla nalang nag ring yung cp ko. Kaya tinignan ko yun.

Mikayy.

Incoming Call..

Agad ko naman itong sinagot.

Tinanong nya sa akin kung anong nangyare sa date daw namin ni Zorren.

Date?? Date na ba yun? Hindi naman kami nagpunta sa isang restaurant kung saan may nakaresearve na isang table for two tapos may abubot na nakadisenyo.

Pero dahil di naman talaga date ang nangyare edi ayun sinabi ko na lang..
Sa totoo lang. Ikinagulat ko yung lahat ng nangyare kanina, lahat ng nagawa ko. Lahat..

Yung paghawak ko sa kamay nya at pag tatanggol ko sa kanya.

Aist. Ewan
Makatulog nanga lang.

-

Habang naghahanda ako para pumasok bigla nalang may bumusina sa harap ng bahay kaya sinilip ko kung sino yun.

Nakita ko namang bumaba sa kotse nya si Zorren.

Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit wala nang Julie dito. Ayun sya, bumalik na sa bahay nila. Hindi sa states ha kundi sa bahay nila dito. Kase andito na din yung family nya. Kaya ayun pinabalik na siya. Mas nauna lang pala siyang bumalik dito sa Pilipinas. At syempre balik sa dati. Mag isa nanaman si ako.

Lumabas ako sa bahay at agad itong sinalubong "Oh bakit andito ka?" Tanong ko habang sinasabit yung bag ko sa balikat ko.

"Baka makiki hiram lang ako ng chani.. Makati kase yung kili kili ko e..." Sagot nito "Natural susunduin ka" dagdag pa nito dahilan para mapatawa ako.

Tumitig iti bigla sa akin ng nakakunot ang noo.

"Bakit?" Nakunot ang noo na tanong ko dito. "May dumi ba ako sa mukha angkel?"

"You've change a lot. Mas bagay mo ang walang suot na salamin" sagot nya ng may magandang ngiti.

Oo nga pala. Nagpakonsulta ako sa isang espasyalista para sa mga mata at syempre binigyan ako ng cintact lens para di na ako magsuot ng salamin pa. Kaya binilhan niya ako ng mga contact lens gaya ng mga ginagamit ni Mikay. Sabi nya daw kase mas bagay ko yung naka ganun lang contact lens. Pati nga si Ecy yun din ang sabi. Magsalamin lang daw ako pag nasa bahay.

"Psh. Bulero." Sambit ko nalang.

"Ano yun?!" Nagulat ako ng may ituro ito sa likuran ko. "Pugot ulo!!" Sigaw pa nito kaya parang nakuryente ang buong katawan ko dahil sa pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon