~*~
Mikay's POV
Kakatapos lang ng klase namin ngayon sa umaga. At ngayon naglalakad ako mag isa dito sa hallway. Iniisip ko kung tama bang tulungan ko si Zorren kapalit ng pagtulong niya kay mama o hindi na dahil sa mga kasalanan niya sakin?.
Aissh!. Nakaka bobo naman kase. Bakit niya kase kailangan pang tulungan kami e kaya ko namang ipagamot si mama, eh ang kaso di nga lang pang agaran.
"Teka bat andito na'ko?" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko. Ano kaba naman Mikay. Kakaisip mo nakaka rating ka tuloy sa CR ng di mo nalalaman.
Kung nagtataka kayo kung bakit wala yung isang Mikay ay dahil din sa kakulitan niya. Eh pano ba naman tatlong gabing di natulog dahil gusto niya daw din bantayan si mama sa hospital
Eh dahil sa hindi naman siya sanay sa ganun ayon nilalagnat siya ngayon. Makulit kase e.
Habang patuloy akong naglalakad bigla nalang may nagtawag sa akin.
"Amira!" Rinig kong sigaw ng kung sino dahilan para mapalingon ako.
Tumakbo ito palapit sa akin "Oh kuya Drake ikaw pala" sambit ko ng makalapit siya sakin.
"Tara" bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila kaya napasunod ako.
"T-teka saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya dahilan para mapatigil kami.
"Sa cafeteria" maikling sagot niya.
"Anong gagawin natin doon?" Tanong ko
"Mag aaral.. Mag aaral tayo doon" napasimangot ako sa sagot nito "Malamang kakain" sagot niya. Oo nga naman ano bang gagawin sa cafeteria kundi oorder kalang naman ng pagkain mo at kakain kana. Nasa sayo nalang kung gusto mong maglaro ng swimming doon.
Agad akong hinila ni Kuya Drake papunta sa cafeteria.
Pagpasok palang namin.
Sandamakmak na matatalim na tingin ang nakasubaybay sa akin lalo na ng mga fangirl nitong si kuya Drake.Hinila niya ako agad sa counter matapos kaming makakuha ng pagkain.
"Bakit sila magkasama?"
"Ang landi talaga niya nung una kinausap nila si Kyler at tignan mo ngayon si Drake naman"
"Kaya nga epal siya"
"Sila ba?"
"Psh. Ano kaba bess mag gigirlfriend nanga lang si Drake low class pa"
"Kaya nga, bakit siya papatol sa isang nerd?"
Walang humpay na bulungan ng mga babae ang gumugulo ngayon sa isip ko. Nakaka inis naman kase e bat kailangan nila akong isabay.
Agad kaming naupo sa vacant seat matapos naming bayaran yung binili namin. I mean siya lang pala bumili. Paano ako makakabili kung maging yung nagtitinda e ansama ng tingin. Ano bayan.
"Oh eto kumain ka" sambit niya at inabot sa akin ang isang tray na may lamang pagkain.
"Uhmn. Kuya Drake bakit mo ba ako inaya dito?" Tanong ko. Nilibot kong muli ang tingin ko at binalik ang tingin sa kanya. "Kanina pa ako pinapatay ng mga fangirls mo dahil sa tingin nila" dagdag ko pa habang abala sa pagtatakip ng mukha. Baka mamatay ako ng wala sa oras neto e.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..