~*~
Mikay's POV
After a week, eto na. Exam na!! Ang bilis talaga ng araw. Maaga kaming pumasok ni Julie sa school para di kami malate.
"Guys, good luck sa exam ha!" Pag checheer samin ni Mikay.
"Same guys. Good luck din" bawi ko. Isa isa na silang nagpaalam at nagpunta sa room nila. Sila Jeon naman nagpunta ng library para magreview daw kahit konti. Kaya ngayon kasama ko si Zorren.
"Ano? Review tayo?" Pag aaya ko sa kanya.
"Nihh. Wag na Panget. Ayoko mag review" maktol nya. Oo tama kayo ng narinig panget ang tawag nya sa akin. Wala e sanay sya. Kaya ako sanay sa kumag.
"Bakit naman?" Talang tanong ko.
"Basta ayoko!!" Maktol nya at nagsisipa pa. Bata lang ang peg. Yung batang di napagbigyan na bilhan ng laruan.
"Hay nako halika na!" Hinila ko sya paakyat sa Private room nila. Doon nalang kami magrereview na dalawa. Maaga pa naman e. 8:00 pa naman ang start ng exam namin 6:45 palang naman.
"Bakit kase? Nabobobo nako ehh. Nung linggo pa tayo nagsimula" maktol padin ni Zorren habang hila hila ko papasok dito sa PRoom nila.
"Alam ko naman na pati yan e" dagdag panya dahilan para harapin ko sya.
"Kahit na alam mo, magreview ka padin kase baka mamaya makalimutan mo yan" sagot ko sa kanya. Samantalang sya eto nag mumuryot.
"Gusto mo bang bumagsak ha?" Tanong ko pa ulit. Umiling naman sya.
"Okey tara na" sagot ko at hinila nasa paupo sa couch.
Nilabas ko lahat ng gamit namin para mareview iyon lahat.
-
Zorren's POV
Napakamot ulo nalang ako ng hilain ako ni panget paupo sa couch. Nilabas nya lahat ng gamit at binuklat lahat yon.
Nagsimula na siyang magbasa ng ibang topic namin pero ako tinitignan ko lang yung mga notes na nasa harap ko.
"Oh anong ginagawa mo? Bakit dika pa magreview ha?" Tanong nya sa akin. Umiling lang naman ako.
"Zorren Kumag Clanford, mag review kana kase pag dika nag review baka bumagsak ka" di na ako magtataka sa mga pinagsasasabi nyang yan. Alam ko namang masipag yan mag aral, tsaka yung isang sinabi nya. Kumag daw. Sanay nako yan ang tawag nya sa akin palagi e. At ako naman ang tawag ko sa kanya panget.
"Magsimula kana oh" sambit nya at pinahawak sa akin yung isang notebook.
Tinignan ko lang uli ito pero diko binabasa."Wag ka ngang ganyan kumag ka. Tignan mo sila Jeon, asan sila? Adun sa library diba?" tumango ako sa kanya. "Sila talagang nagpunta dun kase gusto nilang mag reiuew at pumasa kaya ikaw magrereview kadin para pumasa ka okay" ani Panget. Naintindihan ko naman sya pero kase tinatamad akong magbasa. Baka di din lang mag sink in sa utak ko to kung pipilitin ko.
"At si Blaire nandun din. At siya nagrereview para talaga pumasa, at pag pumasa sya magiging masaya parents nyo tapos ako ikaw pag dika nagreview tamad ka babagsak kana papagalitan ka pa. Ano hahayaan mo ba si Blaire na maangatan ka nanaman ha?" Tama nga naman si Panget kailangan ko ito para pumasa ako.
"Oo nanga po sabi ko nga" sagot ko at nag simula ng mag review. Hindi naman masyadong mahirap magreview kung talagang may konting alam kana e.
-
Mikay POV
Natapos na namin ang ilang subject at ngayon science na ang subject namin. After nito breaktime na.
Sinulyapan ko saglit yung Kumag kung anong lagay nya. Natawa nalang ako ng kumamot sya sa ulo nya. Bahagya din sya namang tumango at nagsagot sa papel nya. Nagets nya siguro yung tanong na kanina di nya maintindihan. Medyo malayo kase kami ngayon. Syempre exam ngayon kaya eto one seat apart.
Napansin nya sigurong naka tingin ako kaya napatingin din sya dito sa akin. Tinanguan ko nalang sya at ganun din naman sya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsagot.
"Yes, tapos nadin" sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako at ipinasa yung test booklet at yung papel ko. Tingin ko ako palang ang unang nagpasa lahat kase ng classmate ko busy pa. Bumalik nalang ako sa upuan ko at naupo. Ilang saglit la tumayo naman na din si Zorren or kumag at nagpasa nadin, sumunod sa kanya sila, Jeon, Blaire at Kyler. Ganun din ang iba pa naming classmate.
.
"Musta ang exam?" Tanong sa amin ni Kuya Drake.
"Okey naman. Pero etong si Kumag mukhang nahirapan kanina" natatawang sabi ko. Teasing him is really fun, naging maganda nadin kase ang pagsasama namin. Pero hindi yung as in maganda talaga, naiinis pa din kase talaga ako sa kanya.
"Ano? Hindi kaya!" He exclaimed.
Natawa nalang kami sa kanya.
"Okey. Kain na tayo gutom na kaya ako" sambit naman ni Julie. Naging ganyan nadin yan kakulit dahil close na siya sa kanila.
"Palagi naman" Blaire said that's why Julie frowned.
Nag order na sila ng pagkain namin kaya agad kaming kumain. Nagtawanan konti pero syempre saglit lang yun dahil back to reality tayo. May exam pa kaming di tapos kaya review review again.
Agad kaming nagpunta sa classroom matapos ang pag rereview namin nila Zorren. Agad din namang dumating ang unang mag papaexam sa amin after ng lunch time.
-
Hay salamat. Naka hinga na din ng maluwag dahil tapos na din ang pinaka hirap hirap na araw. Sana naman okey na. Kasama ko ngayon si Zorren papunta sa parking lot. Sila Jeon, nauna na pati sila Julie. Wala e talagang baliw itong kasama ko. Natulog pa sa PRoom nila. Tanga lang kase talaga.
Sabi nga ni Blaire na gigisingin nya na para maka uwi na pero sabi ko wag na baka magalit pa. Wala e napagod sya dun sa exam. Para lang sa one day na exam pagod sya. Oo nga seryoso. Kaya eto pag gising nya agad ko na syang hinatak palabas doon dahil magdidilim nadin baka umuwi si Mama sa bahay e wala ako dun.
"Asan na sila?" Tanong sa akin ni Zorren habang nag kukusot sya ng mata.
Seriously'? He's asking me about that huh? Isn't it obvious that they already gone home..
"Baliw, syempre nauna na. Natulog ka po kaya. Alangan panuorin ka nila doon habang tulog" pamimilosopo ko naman.
"Eh bakit di nila ginawa?" aba bastos to ah. Pinilosopo ko nga pinilosopo din ako.
"Ewan ko, tanong mo sa kanila mamaya uwi na tayo" sambit ko agad na pumasok sa loob ng sasakyan nya. Agad din namang syang sumakay. Hinatid nya ako sa bahay pero agad din syang umuwi. Ayoko na syang ayain pa sa loob ng bahay walang pagkain na maipapakain sa kanya. Di pa ako nakaka luto e.
~*~
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..