Chapter 48

7.4K 253 10
                                    

~*~

Zorren's POV

Patuloy lang ako sa pagpapatahan kay Amira dahil sa di pa din ito tumitigil sa pag iyak.

"Babe. Anong nangyare" bigla namang dumating si Jes kasama si Julie.

Agad kumulo ang dugo ko ngakita ang pagmumukha ni Jes. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Amira at agad na sinuntok sa mukha si Jes. Hindi naman ito masyadong malakas.

"Zorren" sigaw ni Amira at agad akong hinawakan sa braso

"Jes" agad namang inalalayan ni Julie si Jes dahil medyo nawalan ito ng balanse dahil sa biglang pag suntok ko dito.

"Anong klaseng boyfriend ka?!!!" Sigaw ko dito.

Nakaupo ito sa lupa at agad na pinunasan ang dugo sa kanyang labi.

Ano bang klaseng tao sya?? Napaka pabaya nya. Sunod sunod ang nang gagago kay Amira pero asan sya?? Wala..

"Napapahamak si Amira ng dahil sa ka pabayaan mo!!! Sa tingin mo ba maganda yang pinapakita mong iyan ha?!!" Inis na singhal ko dito

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong nito habang tinutulungan sya ni Julie para tumayo.

"Ano!! Wala kang alam!!... Dahil sa kapabayaan mong yan di mo na namamalayan na napapahamak na pala si Amira!!"

Pilit akong pinapatahimik ni Amira dahil sa mga sinasabi ko ibinubulong nito na wag ko ng sabihin sa kanila. Ayaw nyang malaman ng walang kwentang taong ito kung gaano sya kapabaya.

"Hayaan mong malaman ng taong ito kung gaano sya kapabaya" sabi ko kay Amira hababg dinuduro si Jes.

"Tama na Zorren please" umiiyak na pag mamakaawa nito dahilan para matahimik ako.

Yung galit na nararamdaman ko dahil sa Jes na yun nawala. Dahil sa pag mamakaawa ni Amira sa akin yung kanina pa nanggigigil na katawan ko biglang nanlambot at ang kamao ko na kuyom na kuyom na dahil kanina pa gustong gustong sumapak biglang nawala.

"Ano ba talagang nangyare Zorren?" Tanong ni Julie sa akin dahilan para tignan ko ito.

Tumingin muna ako kay Jes bago magsalita.

"Bakit mo iniwan si Amira kagabi?" Seryosong tanong ko dito habang may matalim na tingin.

Nangunot naman ang noo nito
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito dahilan para mapa smirk ako.

See. Wala siyang kaalam alam. Kaya nga mula palang nung una wala na akong tiwala sa Kanya.

"See? Di mo alam. Dahil pabaya ka!" Susugod nanaman sana ako parang sapakin sya pero humarang si Julie sa gitna namin.

"Tama na nga yan!! Sabihin mo na lang sa amin kung ano ba talagang nangyare" ani Julie

Tumingin ako sa mga mata nito na tila ba nakikipag usap.

"Muntikan nang marape si Amira kagabi." Madiin na sambit ko habang nakatitig sa mata nito. Gulat naman itong tumingin kay Amira. Tumingin naman ako kay Jes

"At dahil iyon sa kapabayaan mo"

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Julie.
"Tapos kanina. Binastos siya ni Edon at hinipuan" muli akong tumingin kay Jes
"Buti nalang nandito ako sa garden kaya nakita ko sila. Dahil kung hindi baka napano na naman sya" madiing sambit ko habang naka tingin ng matalim kay Jes.

Agad lumapit si Julie kay Amira na nasa likod ko. Habang matalim ang tinginan namin ni Jes.

Iniwas nya ang tingin nya at akma sanang lalapitan si Amira pero hinarang ko ang braso ko dahilan para mapahinto sya.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon