Chapter 42

7.2K 219 3
                                    

~*~

Mikay's POV

Matapos ang klase namin agad kaming nagpunta sa cafeteria para kumain. Nakaka gutom kaya.

"Beb. Una na kami ah" paalam ni Mikay na ikinataka ko. Maaga palang naman e bakit ang bilis nila?.

"Ha? Bakit? Ang aga palang naman ah" tanong ko dito. Kaya pala nagmamadali silang kumain.

"Eh kase aayusin pa namin ni Julie yung activity na ginawa namin kanina. Ipapasa na kase namin mamaya e" sagot nito. Napatango nalang naman ako sa kanila.

Umalis na sila matapos mag paalam sa amin.

"Ubusin mo na yan babe. Tuturuan mo pa ako e" ani Jes kaya naman kumain na ako.

"Sabi ko na nga ba e. Iiwan din yan ni Zorren."

"Tama ka bess. Di naman talaga sya mahal ni Zorren e. Lalo pa ngayong nalaman ni Zorren ang tunay na kalagayan ni Zaira"

"Yah. Ur ryt. Tsaka kilala naman natin si Zorren diba. Masyado lang kaseng nag aassume dyan yung isa"

Napatigil nalang ako sa pag kain ko ng marinig ang mga bulungang yon.

"Babe. Hayaan mo na" suway ko kay Jes, ang sama kase ng tingin nya sa mga ito. Alam nya na kase ang totoong dahilan. Lahat alam nya na. Bestfriend ko ito e. Siyempre kinuwento ko na din ito. Madali naman nitong naintindihan iyon.

Huminga lang naman ito ng malalim at kumain ulit kami.

"Tsaka. Ang landi nya. Nerd ba talaga sya o PokPok? Tignan mo oh. May bago nanamang nasungkit. Ilan naman kaya ang nahiram nyang pera sa lalaking yan"

Bigla namang dabog na tumayo si Jes dahilan para mapatingin lahat ng tao dito sa loob ng cafeteria.

"Ano bang problema nyo sa amin?" Inis na sigaw nito sa mga babaeng kanina pa bulong ng bulong.

"Oh bakit Jessy? Ipag tatanggol mo nanaman ba yang malanding yan" singhal ng isa sa kanila.

"Di mo alam ang totoong nangyare kaya wag kang umastang parang kilala mo talaga si Amira. Kung alam mo sana. Sige!! Pwedeng pwede mong sabihin lahat ng gusto mo pero kung hindi naman tumahimik kana lang"

Natahimik naman ang mga ito.

"Jes. Tama na yan. Tara na" awat ko dito. Dabog nitong kinuha ang bag nya at inis na umalis sa cafeteria. Sumunod nalang naman ako dito at iniwang tahimik ang mga tao sa loob ng cafeteria.

"Jes. Bakit naman pinatulan mo pa sila?" Tanong ko dito habang sinusundan sya.

Mas nauna syang naglaakad sa akin. Kanina pa ako nagtatanong pero walang response kahit isa.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon