Chapter 50

7.4K 247 14
                                    

~*~
Z

orren's POV

Pag labas ko sa klase nagpunta ako sa faculty. Nagulat nalang ako pag pasok ko ginreat ako lahat ng mga teacher.

"Good Morning Mr. Clanford"  bati nila sa akin.

"Hindi pa rin po pala kayo nakaka limot tungkol dyan" natatawang sambit ko.

Kapag kase pumupunta kami dito nung bata pa lang ako gusto ko kung pano nila igreat si dad gusto ko ganun din nila ako igreat kaya ayan. Naalala ko pa nga noon e tumungtong pa ako sa lamesa habang nag memeeting sila.

"Bakit naman kami makakalimot iho" sambit ni Ma'am Lorna.

"Gusto ko tatawagin nyo din akong Mr. Clanford kagaya ni dad dahil pag laki ko ako din lang at si Jimin hyung at si Micka ang magiging boss nyo" natawa naman ako ng sabihin ni Sir Joseph ang line ko daw noong bata ako. Yan mismo ang sinabi ko nung tumungtong ako sa mesa nila habang nagme-meeting sila

Sila ma'am Lorna at sir Joseph ay ilan sa mga matandang teacher dito sa school kaya nakikita nila ako pag nagpupunta ako dito nung bata pa ako. Nasubaybayan na din nila akong lumaki dahil madalas kami dito noong mga bata pa kami.

"Di nyo pa po nakalimutan yan e ako po limot ko na e" natatawang sambit ko dito.

"Syempre hindi. Yun nga ang pinaka favorite kong line mo" nagtawanan naman sila. Siguro nakwento na nila ito sa mga bagong teacher dito kaya nakikitawa na din ang mga ito.

"Sige po punta lang ako kay dad" paalam ko sa mga ito.

"Oh sige iho" sagot ni Ma'am Lorna kaya nagtungo na ako sa office ni dad at pumasok dito.

"Son. What are you doing here?" bungad na tanong nito pag pasok ko.

"I need to get paper for~" di na ako pinatapos pa ni dad dahil siguro alam na nito ang ibig kong sabihin.

"Here" inabot nito ang isang papel na pinirmahan nito kaya kinuha ko naman ito.

"Thanks dad" sagot ko at akma na sanang lalabas ng room nya ng tawagin ako nito

"Zorren" pag tawag nito kaya naman muryot akong humarap dito

Alam ko lang sasabihin nya. Na tumigil ako sa mga kabalbalang ginagawa ko?

Kahit naman kase wala akong ginagawa basta nagpunta ako dito sa office nya iba na agad ang nakikita nya. Ang alam nya may kalokohan nanaman ako.

"About the gang"

Nag kainteres ako bigla ng banggitin ni dad ang gang. Pag gang na kase ang pinag uusapan nag kakainteres ako agad m, ewan ibang usapan kase iyon. Ang gang kase ang  binigay sa akin ni dad dahil alam niyang kaya kong ayusin ang mga problema dito.

"What about the gang?" Tanong ko dito.

"Thanks for all of your effort son"

"What do you mean?" Tanong ko. Saan naman sya nagpapasalamat? May nagawa ba akong maganda? O tama?

"Nalaman ko ang nangyare sa gang." Napahilot na lamang ako sa sintido ko dahil sa sinabi ni dad. Paano nya nalaman ang tungkol doon.

"You don't need to worry. Hindi ako galit." anito dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Ngayon ko na lang ulit nakita si Dad na ngumiti sa akin ng ganyan. Hindi ko inaasahang makikita ko pa yan sa kabila ng lahat ng nangyare sa amin.

Tumayo ito at naglakad papunta sa akin, tinap nito ang balikat ko na ikina-gulat ko. Ngayon nalang ulit ito nagawa sa akin ni dad. I mean nagagawa nya sa akin ang ganito pero walang ganitong kasamang ngiti.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon