~*~
Mikay's POV
"Bes, CR lang ako ha" paalam ko kay Mikay. Kanina pa kase ako tinatawag ng kalikasan e. Nandito kami sa canteen ngayon, mag rerecess sana kaso nga tinawag ako ng kalikasan.
"Sige beb, hintayin nalang kita dito." Sagot nya. Tumango naman ako at nagtungo na sa CR.
Pumasok ako agad sa isa sa mga cubicle. Pagkatapos ko agad akong lumabas at humarap sa salamin. Sinuklay ko konti ang buhok ko para maayos naman. Tinitigan kong mabuti ang mukha ko.
Subukan ko kayang alisin ang salamin ko.
Unti unti kong inalis ang suot kong salamin. Medyo sumakit pa ang mata ko dahil sa di ako sanay.
Pumikit pikit ako kaya medyo umayos nadin. Ang kaso hindi gaya ng dati na malinaw pag may salamin ako.
"Haist. Wala kang magagawa. Ganyan ka e" nagulat nalang ako ng may nagsalita sa bandang likuran ko. Agad ko syang nilingon pero diko sya masyadong makita medyo malabo kase kaya isinuot ko ang salamin ko at nakita ko sya.
Maganda sya, maputi matangkad. Naka uniform din ng gaya ng akin. Pero ngayon ko lang nakita yung ganitong mukha dito. Transferee siguro.?.
"A-ah oo nga e" ngiting sagot ko.
Ngumiti ito na tila ba nang aasar. "Wag mong isiping kaya mong makuha lahat" sambit nya na sabay ng pagharap sa salamin.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Tiningnan ko sya mula sa salamin.
"A-anong i-ibig mong sabihin?" Tanong ko dito.
Humarap sya sa akin at tinignan ako sa mata.
Muli itong ngumiti na tila ba inaasar ako.
"Nagbibigay lang ako ng paalala, dahil hindi lahat ng bagay mapupunta sayo. At mas lalong hindi lahat ng taong malapit sa kaibigan mo ay kailangang maging malapit din sayo" nangilabot ako sa mga sinasabi nya.
Diko sya kilala pero kung makapag salita sya parang kilala nya ako.
Sinong kaibigan ang tinutukoy nya?
*Mickyla's POV
Antagal naman ni Mikay kanina pa ako naghihintay dito. At kanina padin nag aalboruto etong tiyan ko.
Kanina pa sya nagpaalam na mag cCR halos 10 minuto na ang lumipas ay wala padin.
Mapuntahan nanga.. Baka mamaya nilamon nayon ng inidoro.
Agad akong nagtungo sa CR at pumasok doon. Nakita ko si Mikay na may kaharap na babae. Diko makilala kung sino sya dahil naka talikod ito sa akin.
"Oh Mikay" sambit niya makita ako.
"Bhe antagal mo kanina~" napa-hinto ako sa pagsasalita ng humarap sa akin yung babaeng kausap nito. Ano nanamang ginagawa nya dito?
"A-ate Zaira" gulat na sambit ko.
"Oh hi baby" sambit nya at naglakad papalapit sakin.
Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ngiti nito. Hindi ko maiwasan ito dahil hindi ako pabor na bumalik pa ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Madiing tanong ko. Nung unang nagkita kami gulat ang naging reaksyon ko pero ngayon sa tingin ko di naman tamang gulat nanaman. Siguro may halong ganon pero mas nangingibabaw ang galit ko.
Nang naka lapit sya sakin hinawi nya ang mga hibla ng buhok ko papalikod sa tenga ko.
"Hmn. Nakikita mo naman siguro?" Sambit nya at inilahad ang kamay nya dahilan para mapatingin ako sa suot nya.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..