~*~
M
ikay's POV
Kulang nalang mapatalon ako sa gulat ng biglang nag vibrate ang cp ko.
Naman.. Ang ganda pa ng panaginip ko e. Nasa Disney land daw ako. Tapos nakita ko daw yung favorite character ko na sila Snow White, si Aurora tapos yung isa si little mermaid.
Aist. Hala!!! Oo nga pala.. May pasok akooo!!!! Whaaaa.
"Late nako!!" Sigaw ko.
"T-teka nasaan naba ako??? Whaaaa... Jesssss!!!" Sigaw ko.
Walang hiya sya. Lagot talaga sya sakin. Di nya ako ginising. May report nanaman ako ngayon e... Langyaa..
Bigla nalang may nagbukas ng pinto ng kwarto at iniluwa si Jes.
"Yes babe?" Ngising sagot nito. Langya to. May gana pa siyang ngumiti ng ganyan e alam naman nya nang bugbog sya sakin.
"Walang ya ka" agad ko itong sinugod at pinaghahampas.
"Aray ko Ami.. Bakit ba?!!... Aray!!" Sambit nito habang hinasangga ang mga hampas ko.
"Bakit di mo ako ginising??!!! Late na ako sa school. May report ako ngayon langya ka!!" Patuloy ko lang itong pinaghahampas.
"T-teka.. Anong sinsabi mo?" Tanong nito dahilan para mapatigil ako.
"May pasok ako.. Ano kaba" inis na sabi ko dito at hinampas sya.
"T-teka.. Anong may pasok? Sabado kaya ngayon" natigilan nalang ako dahil sa sinabi nito.
Ano daw? Sabado?
"S-sabado ngayon?" Tanong ko dito. Para naman akong nakonsensya dahil sa pananakit ko sa kanya.
"Oo" sagot nito. Aistt. Ano nanaman ba yan Amira. Masyado kabang masipag mag aral.
"Hmn. Grabe ha. Nakakalimot pala ang umiyak ng maghapon noh. Matry nga minsan" anito habang hinahaplos ang braso niyang hinampas ko.
Nag flashback naman sa isip ko ang nangyare kahapon. Oo nga pala may di magandang nangyare kahapon.
Napayuko naman ako dahil dito.
"Oh yan ka nanaman. Halika na nga. Kumain kana alam kong gutom nanaman yang dragon mo" anito para tignan ko sya ng masama.
"Oh bakit? Totoo naman diba?" Sambit nito. Hinampas ko naman ito uli sa braso nya ngunit tinawanan lang ako nito.
Ngumuso ako dahil sa sinasabi nito."Yah... Stop that." Suway nito sa akin peri hinayaan ko lang ito at hindi binago ang itsura ko. "Amira. Hahalikan kita" nanlaki naman ang mata ko kaya agad kong kinagat ang labi ko para itigil iyon.
Ang kapal nya.. Halikan na.
"Halikan na.. Gusto mo neto?" Tanong ko dito at pinakita ang kamao ko.
"Sabi ko nga hindi. Tara na kitdi. Gutom nako kanina pa" sambit nito dahilan para matawa naman ako.
Sumunod nalang naman ako dito pababa para pumunta sa kusina. Maganda itong bagong bahay na nakuha nila ha.
"Oh Amira. Gising kana pala" sambit ni tita Daniela.
Ngumiti naman ako dito. "Good morning tita" bati ko dito.
"Oh sya. Tara kain na tayo" pag aaya nito kaya humarap na kami ni Jes sa lamesa at kumain na.
-
Third Person POV
"Jul. Nag reply naba si Ami." Tanong ni Micka kay Julie.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..