Chapter 18

8.7K 245 5
                                    

~*~

Mikay's POV

"P-pero hindi ako pumayag!!" Maktol ko. Sabihin ba naman nyang simulan na daw namin ang pagpapanggap. Andito kami ngayon sa rooftop ni Zorren. Sabi kase nya kakausapin nya daw ako. Kaya eto.

"Amira." Huminga ito ng malalim. "Please tulungan mo na ako!!!" Pagpipilit nya. Marunong pala sya sa ganyan ha?.

"Eh Zorren andaming ibang babae dyan na pwede mong pilitin para sa pagpapanggap nayan pero bat isang nerd na gaya ko pa?" Sabat ko.

"I don't know?.... I just...... want you" nanlaki ang mata ko. "I-i mean I want you t-to help me.. Yeah that's right. Y-you.. I-i need your help" utal na sambit nya. Bakit sya nauutal?

"Zorren. I'm sorry pero kase hindi yon madali para sa akin" sambit ko.

Nakita ko sa mga mata nya ang lungkot pero hindi ko talaga alam kung pano.

"I'm sorry" Hindi ko alam pero parang may sariling buhay tong mga paa ko at naglakad palayo sa kanya.

"Stupid" Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita sya. Sinong sinasabihan niya ng stupid?

Hinarap ko sya para sagutin sana pero nag salita agad sya.

"Stupid. Idiot. Weak. Useless. Unimportant." mahina itong tumawa. Nana-tili itong nakatalikot sa akin.

"Those words. Mga salitang paulit ulit kong naririnig pero hindi bumigay ang tenga ko sa paulit ulit na mga masasakit na bagay na sinasabi nila" sambit nya na ikinagulat ko. Ano bang pinagsasasabi nya?

"Ever since siya lang ang may mga bagay na magandang naririnig mula sa kanila." Patuloy nito.

"Everytime na maririnig ko yung mga compliments nila sa kanya at pinapanuod silang ngumiti sa kaniya, hindi nila alam yung nararamdaman ko. It kills me. I feel like I'm a big disappointment to them. Alam mo yun, all you did is to make them proud but whatever I do, no matter how many efforts I make parang wala lang sa kanila. But when hyung do something, alam mo yun na kahit hindi ganun kahalaga, they are so proud." Hindi ko alam kung paano ang magsalita sa mga sinabi nya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Bakit sya tinuturing na ganon ng pamilya nya? Hindi ko maintindihan. Kung anong kinayaman nila ganun din sila kayaman sa problema.

"They are always blaming me. That's why I blame myself too."

"Zorren" tanging pangalan nito ang nasabi ko. Nakaka awa pala ang sitwasyon nya. Kusa akong lumapit sa tabi nya.

"Nagkaanak pa daw sila ng walang kwenta. Hmn. Totoo naman e. Wala akong kwenta.." sambit nya habang nakayuko.

Bigla nya nalang pinunas ang kamay nya sa mata nya. Umiiyak ba sya? Oo umiiyak sya. Umiiyak ang isang Zorren Vee Clanford? Totoo ba'to?

"And that's the reason why I hate Zaira" ano daw? Si Zaira? Anong kinalaman nung Zaira nayon?

"A-anong kinalaman nya don?" Tanong ko.

"Buong buhay ko all I want is to prove that I can make then proud too, gaya ni Hyung. Kaya naisipan kong ligawan si Zaira ang anak ng isa sa mga pinakamayang pamilya" nanlaki ang mata ko ng sabihin nya yon. Niligawan nya si Zaira?

"Z-zorren" hindi ko alam ang sasabihin ko. Ibig sabihin ba 'non naging sila ni Zaira? Pero bakit ganon nalang sila kagalit sa kanya.?

"Naging proud sila daddy sa akin noon dahil kahit papano nakagawa ako ng maganda para sa ikaaangat ng pamilya namin pero nagbago sa huli. Bumalik din lang ang mga salitang dati na nilang sinasabi sa akin." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.

Akala ko pag mayaman ka wala ka ng problema dahil kaya mo ng mabili lahat ng gusto mo. Pero hindi pala.

"Ang plano ko ay dapat gagamitin ko sya para mas umangat ang pamilya namin pero mali ako, sa pagkakataong yon baligtad ang nangyare. Ako ang ginamit nya... ako ang naging daan para sila ang umangat at hindi kami. Bumagsak ang company namin dahil yon sa akin. And that is one of the worst thing that happen into my life. And the most worsts thing ay minahal ko sya. Minahal ko si Zaira." Halos malaglag ang panga ko sa mga sinabi nya. Kaya ba sila galit kay Zaira.. At dahil din ba bumagsak ang company nila dahil kay Zaira. Pero bakit niya ako kailangan?

"Ibig mong sabihin~" di nya ako pinatapos at tumingin sya sakin ng diretso.

Tumango sya. "Please Amira, I need your help" pagmamakaawa nya. Humarap sya sa akin at napagtanto kong umiiyak nga talaga sya dahil sa may basa ang pisngi nya at may namumuo pang mga luha sa kanyang mata. Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako ng diretso.

"Pero bakit mo pa kailangan ng tulong ko? Bakit mo pa kailangan ng fake girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Because I still have a feelings for her, I still love her at ayoko ng mangyare uli yong dati dahil baka bumalik ako sa kanya ng di ko namamalayan.. So Please.. Amira.." Ang hindi ko alam kung bakit biglang may parang may tumusok sa dibdib ko ng sabihin nya yon. Ibig sabhin mahal nya pa si Zaira, at gagamitin niya ako para mawala iyon?

Pero bakit ganito sya magmakaawang tulungan ko sya? Kulang nalang lumuhod sya sa harapan ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung papayag ba ako. Ayokong mag sisi sa huli..

Bigla nalang nagflashback sa utak ko ang mga sinabi sakin noon ni mama. Tinulungan nya si mama para makapag pagamot ito at sya ang dahilan kung bakit kasama ko pa ang mama ko. Bahala na si lord. Pero tama si mama. Kailangan kong suklian ang mga bagay na nagawa nya para sa akin, kay mama, at sa amin.

"Please!!! Kahit ano ibibigay ko. Please!!!" Nagulat ako sa sunod nyang ginawa, lumuhod sya sa harapan ko.

"Z-zorren tumayo ka nga dyan" pilit ko syang itinatayo pero di nya lang ako pinapansin.
.

"Zorren please, ayoko ng ganto tumayo ka nga dyan." sambit ko habang pilit padin syang itinatayo.

"Hayst.. Okay, tutulungan na kita per~" diko napatapos ang sasabihin ko ng bigla nalang syang tumayo.

"Talaga!!" Sambit nya ng may pagkabigla, agad syang tumayo mula sa pagkaka luhod.

"Teka lang dipa ako tap~" sa pangalawang pagkakataon diko nanaman natapos ang dapat kong sabihin..

"Papayag kana?" Tanong nya ng may masiglang tono ng pananalita.

Ano yun tanga? Kanina lang para syang teenager na iniwan ng girlfriend dahil lubos kung mag drama, tapos ngayon biglang sumigla kala mo'y batang binigyan ng lollipop.

"Oo na, basta sasabihin ko sayo na isa lang itong DEAL" sambit ko. Tumango naman sya. "Fake lang lahat lahat" sambit ko. Ngumiti sya sakin.

"Okey Deal" sambit nya at inabot ang kamay nya. Inabot ko din ito at nakipag shake hands sa kanya.

Tanga lang ba? O tanga na talaga? Para kase syang asong umaamo ngayon sa pagmumukha nya.

"At isa pa dapat walang mafafall ha" natawa nalang sya na ikina kunot ng noo ko.

"Oo lang, tsaka hindi kita type 'no" sambit nya na ikina lukot ng pagmumukha ko. Ang yabang talaga nya. Kala mo e gwapo pasalamat lang talaga sya.

"Aba! Pasalamat ka ha tinulungan pa kita ano gusto mo bawi~" di na ako natapos pa ng bigla itong nagsalita.

"Oo na. Halika na. Simula na ng plano at girlfriend na kita" inilapit nya ang mukha nya sakin kaya napaatras ako. Bigla nga nalang akong hinila paalis ng rooftop.

Ano panga ba edi sumunod nalang ako.

--------

Someone's POV

"Boss, tama po kayo. Siya nga po si Zorren Clanford" tumango nalang ako sa tauhan ko ng masabi nya iyon. Agad kong kinuha ang cellphone na hawak nya at tinignan ang picture.

So siya pala ang anak ni Miguel.

"Sino itong kasama nyang babae?" Tanong ko sa tauhan ko.

"Hindi ko po alam boss pero sa tingin girlfriend nya po yan" sambit nya.

May girlfriend sya. Mas mapapadali yata ang plano ko nito.

~*~

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon