Chapter 49

7.2K 223 8
                                    

~*~

Mikay's POV

Nang nagising ako naka higa na ako sa kama ko at andito na ako sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at sa tingin ko gabi na. Ano bang nangyare?

"Oh gising kana pala" nilingon ko naman ang pumasok sa pinto ng kwarto ko at nakita ko si Julie.

"Jul paano ako naka uwi?" Tanon  ko dito. Ngumiti naman ito sa akin.

"Hinatid ka dito ni Zorren." Sambit nito.

Hindi ko kase maalala ang mga nangyare. Ang naaalala ko lang yung umiiyak ako dahil sa may nangbastos sa akin sa garden tapos dumating si Zorren at niligtas nya ako.

Tapos sila Zorren at si Jes nag away.

"Si Jes asan sya?" Tanong ko dito.

"Nasa bahay nila. Pinauwi ko na lang muna" aniya kaya naman napa tango nalang ako.

"Eh si Zorren?"

"Kakauwi lang nya. Sa totoo lang ayaw panga nyang umalis e. Pinilit ko lang." Anito. "Oh eto kumain kana." Inabot naman nito ang tray na may lamang soup, three sliced bread, apple, ar gatas.

Umayos naman muna ako ng upo at kinuha iyon tsaka kumain.

"Ami."

"Hmn"

"Si Zorren. Mahal mona ba sya?" Napaubo ako ng wala sa oras dahil sa tanong nito.

Agad akong uminom ng gata upang maibsan ang kati ng lalamunan ko.

"Anong mahal?" Takang tanong ko.

Natawa ito dahil sa reaskyon ko. "Alam mo. Wag mo nang ipag-kaila pa. Halata naman e" natatawang sambit nito kaya naman napatawa nalang din ako.

"Kung may nararamdaman yan" tinuro nit ang dibdib ko "Wag mong itago. Kase baka mamaya magulat kana lang na may iba na pala at mas lalo ka lang masasaktan at ang malala pa di nya alam ang nararamdaman mo" nangunot nalang naman ang noo ko sa pinag sasasabi nito si Jul.

Mukhang may karanasan ito sa ganoong bagay ah.

"Kelan ka pa naging expert sa ganyan ha?" Natatawang tanong ko kaya naman napa tawa din ito.

"Uy. Minsan lang ito kaya sulitin mo na" sagot nya. Hindi friend, mukhang may pinagdaanan ka kase sa ganiyang bagay.

Huminga naman ako ng malalim.
"Pero tama ka naman. Pero minsan din kase kahit sabihin mo ang nararamdaman mo kung di din naman kayo pareho ng nararamdaman sa isa't isa. Mas masasaktan ka lang kaya mas pipiliin mo na lang din ang manahimik nalang" sambit ko at kumagat sa apple.

"At sino ngayon sa atin ang hindi expert ha? Aba!! Ako pa itong sasabihing mong expert e mas may hugot yung mga pinag sasasabi mo dyan" natawa nalang naman ako dito. Oo nga naman ano. Saan ba nanggaling yun?.

"Hmmp! Epal ka. Palibhasa kase nagkaka developan ka kayo ni Blaire e" pang aasar ko dito dahilan para tignan ako nito ng seryoso.

"Ano? Wag ka nga dyan. Hindi kaya" palusot nito st saka ako inirapan.

"Aysus! Palusot mo. Ang ganda nga ng tawanan nyo kanina." Ngising sambit ko

"Hala. Hindi ahh" anito t umiwas agad ng tingin.

"Anong hindi?" Natatawang sambit ko.

Ang sweet kase nila kanina, nagtatawanan sila kanina ni Blaire sa canteen. Ni hindi nga namin alam kung ano bang usapan nilang dalawa e. Nakaka op kahit tatlo kami nila Mikay na di alam kung anong tinatawanan nila.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon