Chapter 6

11.1K 302 15
                                    

~*~


Third person POV

Nasa isang bar ang magbabarka kung saan dito sila laging gumigimik. Masaya ang lahat maliban kay V. Napansin ni Namjoon na walang imik ang kaibigan kaya kinausap nya ito.

"Ey, ayos kalang?" Tanong niya dito. Nagbalik naman sa huwisto si V at napalingon sya dito. Nagpaalam naman si Hobi sa babaeng kaladyaan upang makisalo sa usapan nila.

Tumango lang siya bilang sagot.
"Tungkol ba yon kanina?" Tanong uli ni Namjoon sa kanya.

Tumango sya

"Hyung" sambit nya dahilan para mapalingon silang lahat sa kanya.

"Nakita ko si Zaira" aniya.

Hindi naman nawala ang pagkagulat sa kanila dahil sa sinabi ni V sa kanila. Si Zaira? Nagbalik na? Para nanaman saan?

Kilala nila si Zaira, at maging ang naging papel nito sa buhay ng kaibigan nila. Hinding hindi nila ito malilimutan lalong lalo na ang ginawa nito dahilan upang maging magulo ang buhay ng kaibigan nilang si Zorren.

"Ano?"

"What?"

"Jinjja?"

Iba ibang reaction ng magkakaibigan maliban kay V na talagang di mapinta ang mukha.

Tumango lang ito bilang sagot habang naka-titig sa basong hawak.

"So you mean, she's here?" Tanong ni Yoongi hyung.

Muli itong tumango.

"So, kung nakita mo sya, nagkausap kayo?" Tanong ni Jeon sa kanya.

Tumango lang naman ito.

"Nakita ko siyang kausap si Mickyla kanina" paliwanag nito sa kanila.

"Si Mikay?" Nagtatakang sambit naman ni Jeon.

"Hmn. Kanina nung hinabol ko si Mikay, naabutan ko syang nakatayo sa gilid ng isang puno sa garden, kaya tinawag ko sya at agad ko syang nilapitan pero nung nakalapit na ako nakita ko si Ziara" paliwanag nito.

Ipinaliwanag lahat ni V ang nangyare kanina sa mga kaibigan nya. Lahat sila nagulat ng nalamang bumalik na si Zaira dito sa pilipinas.

Flashback

Naghanda si V ng surpresa para kay Zaira dahil first anniversary nila.

Sinundo nya si Zaira sa bahay nila. At bago pa naman sila makapasok sa restaurant kung saan naghanda si V piniringan nya muna si Ziara upang masurpresa ito.

Agad inalis ni V ang panyong ginamit niya bilang pang-piring sa mata ni Zaira ng nakapasok sila.

Puno ng mga rose petal ang sahig may mga ilaw na nakapaligid sa bawat sulok ng restaurant at may mga musicians din, at syempre hindi kompleto ang date kung wala ang isang table at may dalawang upuan para sa dalawang nagmamahalan.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon