~*~
Mikay's POV
"Ma, punta na po kami"
"Oh sige anak. Mag iingat kayo ha. Micka anak wag kayong masyadong gala at baka mawala kayo. Tsaka ingatan nyo ang isa't isa ha. Zorren iho, alagaan mo itong anak ko ha"
"Opo. Ako napo bahala dyan tsaka kayo din po. Mag iingat din po kayo dito. Lalo napo mamaya pag pauwi na kayo"
"Naku! Anak ko wag kang makulit doon ha. Wala ako doon para alagan ka tsaka~"
"Ma. Ma. Okey po. Aalagaan kopo sarili ko. Mag iingat po ako. Di po ako magiging makulit. Basta ganun din po kayo ha" halos di mag kanda ugaga si mama kapapa alala sa akin, nakikita ko ding grabe syang mag alala dahil sa emosyon na pinapakita nya.
Bigla namang tinawag ang flight number namin kaya nag handa na kami para sa pag sakay sa eroplano patungong South Korea. Nakaka excite pero nakaka lungkot din kase diko makaka sama si mama sa pag salubong ng New Year. Kila tita Nerry siya mag nuNew Year. Gusto kong isama si mama pero ayaw naman nya dahil ayaw nya daw gumastos pa ako para sa kanya kaya ang gagawin kona lang ibibili kona lang sya ng regalo mula sa Korea para kahit papano makabawi ako.
Nag wave ako kay mama habang nag lalakad kami paalis. Kasama nya si Tita Nerry ngayon at sila tito Joseph at tito Nick. Sila yung mga mag uuwi ng mga sasakyang ginamit sa pag punta namin dito.
Nang naka sakay kami ng eroplano hinanap ko agad ang seat ko~~ 13A
"13A. 13A."
Nang nahanap ko ito agad akong naupo dito.
"13B. Sa wakas" naka tingin lang ako kay Zorren nang naupo ito sa tabi ko. "Oh. Hi panget" bati nya ng napansin nyang ako ang katabi nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Pinankunutan nya naman ako ng noo.
"Dito ako naka upo" sabi nya at pinakita ang seat number nya.
"Esh. Akala ko si Mikay ang katabi ko" muryot na sambit ko.
"Wala e. Ako talaga meant to be sa upuan na to e. Tsaka sayo" Ngising sambit nya napa irap nalang naman ako dito.
Bigla namang nag salita ang piloto at sinabing preparing for take off. Kaya naman nanahimik natong si Zorren sa tabi ko.
~*~
Pag baba namin sa eroplano dumiretso na kami sa airport at sumakay sa sasakyan.
Akala ko mag checheck in kami sa hotel yun pala may bahay sila Mikay dito kaya doon kami nag punta. Ang yaman pala talaga nila. Pati dito merong bahay. I mean palasyo.. Sa laki at lawak ba naman matatawag mo pa ba itong bahay lang? Pati bakuran nila ang lawak din.
Sinamahan kami ni Mikay kung saan ang kwartong tutulugan namin ni Julie. Nag pahinga kami dahil sa pagod sa byahe. Ang sarap pa namang matulog ngayon dahil malamig dahil kakatapos lang ng Christmas.
Pag gising ko alas sais pasado na at wala na si Julie sa higaan nya. Siguro lumabas na kaya lumabas nadin ako. Pag baba ko nilibot ko ang tingin ko para hanapin sila."Ma'am, hinahanap nyo po ba sila?" Biglang dumating ang isa sa mga katulong nila na siguro nasa 45 pataas
Buong akala ko lahat ng katulong nila dito taga dito sa Korea pero nagulat lang ako dahil may mga taga pilipinas din pala. Tumango analang ako sa kanya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..