Chapter 25

8.8K 232 4
                                    

~*~

Zorren's POV

"Class, I want you to be ready, because next week is your periodical examination. So be ready. Mag review ng maaga."

"Yes ma'am!" We exclaim.

"And I have another announcement. Malapit na din pala ang Prom Night. Maybe after your periodical examination baka gaganapin na ito. Okey. Class dismissed" pagkalabas at pagkalabas palang ni ma'am bigla ng umingay ang buong klase.

Mga excited sa Prom Night. Hindi na ako nag react kase alam ko naman na malapit na ang Prom Night. Lagi kaya akong updated.

"Uy Zorren sinong date mo? Pwedeng ako nalang" napataas ko ng ulo ng may babaeng lumapit sa akin para ayain ako?. Tanga noh. Dapat ako mag aaya.

"Ehem. Excuse me. Hindi na pwede e" biglang singit naman ni Panget kaya napatingin ako dito. Bigla namang sumama ang mukha nung babae.

"Bakit naman?" Taas kilay nitong tanong.

"FYI. Girlfriend nya ako at boyfriend ko sya. Kaya ako ang Prom Date nya" mataray namang sagot ni Panget.

Seryoso sya? Bakit ganyan nalang syang mag salita? Napatitig nalang ako sa kanya. Pinapanindigan nya talaga ang plano. Kahit na naka salamin syang ganon mataray padin at malakas ang loob na sabihin yun. Ang pagkakakilala ko kase sa mga nerd na gaya nya. Tahimik lang talaga.

"Hoy!!" Nagbalik ako sa reyalidad ng sigawan ako sa tenga ni Panget.

"H-ha?"

"Kanina kapa kase naka tingin sa akin. Yan tuloy hindi mo alam na umalis na sila Jeon." Sagot nya at inayos ang gamit nya.

Di nalang ako sumagot sa kanya at tinignan lang syang nag aayos ng gamit. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya e. Parang totoo. Kilala ko naman to' hindi sya basta basta magsasabi ng ganon, kase ang pagkakakilala ko sa kanya ay isa lang syang tahimik at palaban na nerd. Yun lang talaga.

"Huy.!! May dumi ba ako sa mukha?!!" Muling nagbalik ang isip ko sa realidad ng muli nya akong sigawan.

Ano bang nangyayare sa akin? Bakit kase na tutulala ako.

"Tara na!" Pag aaya nya sa akin at hinila ako patayo. Tumango nalang naman ako.

Lumabas na kami ng classroom at ngayon naglalakad kami sa corridor.

"Uhmn. Huy. P-panget?" tawag ko sa kanya dahilan para mapatigil sya. Hinarap nya ako ng may kunot ang noo.

"Anong sabi mo?" Tanong nya.

"W-wala." ako ba Zorren bakit ka nauutal?

"Okey" sagot nya at nagpatuloy sa paglalakad.

"B-bakit mo sinabi yon?" Sambit ko uli para mapatigil sya at muli akong hinarap.

"Yung ano?" Tanong nya.

"Y-yung kanina?" Sagot ko.

"Ah. Yung kanina ba. Syempre trabaho ko yun, tsaka kahit di mo naman sabihin alam kong bahagi yun ng plano. Ginagawa ko lang ang part ko." sagot nya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang parang may bumara sa lalamunan ko. Mag lalakad na sana sya pero hinarap uli nya ako.

"At isa pa. Hindi ako pangit" sambit nya habang naka turo ang hintuturo nya sa mukha ko. "Ikaw ang panget" bigla nya nalang tinusok ang tungki ng ilong ko dahilan para matawa ako.

"Hindi ako panget gwapo ako" naningkit bigla ang mata nya dahil sa mga sinabi ko dahilan para mapatawa uli ako.

"Psh. "- sya.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon