~*~
Mikay's POV
It's been a week matapos sabihin ang announcement tungkol sa Christmas party at eto nanga.
"Christmas Party na!!!" Masayang sigaw ko pag gising ko.
"Mukhang masaya ang baby girl ko ah" sambit ni mama pag pasok nito ng kwarto ko. Kakauwi lang ni mama kahapon mula sa trabaho nya. Christmas break din nila hanggang first week of January kaya matagal kaming mag kakasama ni mama.
"Excited kaba?" Pinatong nito ang tray na may lamang gatas at tinapay sa lamesita dito sa kwarto ko.
"Opo ma.. Excited ako. Lalo na ngayon masaya yung mga naisip na pakulo ng mga teachers" masayang sabi ko dito. Mukha kaseng nakaka enjoy ang party na ito for me e. It is different from the Christmas party na nagaganap sa dati kong school. Pero siguro sa mga Private Schools na gaya nito baka ganito ang mga pakulo din nila.
"Oh sya. Kumain kana muna para makapag handa kana" sambit ni mama kaya naman tumabi ako dito at kumain.
.
Matapos kong kainin yung dala ni mama. Lumabas na ito sa kwarto ko para daw makapag handa na ako. 8:30 pa naman ang start ng party kaya magkaka oras ako para nag ayos ayos. Naging routine ko na din ito at dahil iyon sa kikay kong kaibigan at pinsan.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It's already 6:30 kaya naman kinuha ko na agad tuwalya ko at nagpunta sa banyo.
Matapos ang ilang minuto lumabas na ako ng banyo. Inihanda ko ang mga damit na susuotin ko. Nag sando at short lang muna ako dahil mag aayos pa naman ako. Baka kase pag sinuot ko na agad yung damit ko baka mapunasan ko ng lip tint o ano. Madumihan pa.
Sinimulan ko na ang pag aayos para matapos na agad. Susunduin pa kase ako dito ni Zorren. Eh alam nyo na. Madaling mabagot yung kumag na yon baka iwan pa ako.
"Anak? Tapos kana ba? Andito na si Zorren" sambit ni mama kaya naman agad akong nataranta. Yan nanga ba sinasabi ko e.
"Malapit na po ma!" Pasigaw kong sabi. Naka sarado kaya itong kwarto ko, baka mamaya di maintindihan e.
Pumasok si mama sa kwarto ko at lumapit sa akin.
"Liptint nalang po" sambit ko. Naglagay muna ako sa lip gloss, medyo dinampian ko ng panyo para medyo mabawasan ang kintab nito. Pag katapos nilangyan ko ito ng foundation para pumuti. Nang natapos ko na nilagyan ko ito ng lip tint at pinatungan ko pa ng pink lipstick saka ng lip gloss ulit para kumintab.
"Okey na!" Sambit ko kaya naman napangiti si mama.
"Oh sya. Mag bihis kana anak. Baka mabagot na yung boyfriend mo" napatingin ako kay mama na may kunot na noo.
"Ma!" Suway ko dito. Tumawa lang naman ito. Diko naman boyfriend si Zorren e.
"Sige. Lalabas muna ako." Lumabas na ito para makapag bihis na ako.
Kinuha ko ang dress na susuotin ko na naka lapag sa kama ko at isinuot na.
Nag suot ako ng white floral dress at pinaresan ko ng pink doll shoes. Tinirintas ko din ang buhok ko upang hindi ako agad maging haggard at syempre para fresh.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..