~*~Zorren's POV
Hindi kami tumuloy sa gimik ngayon, naguguluhan kase ako, bakit magkausap Mickyla at si nerd kanina?
Di ko lang maisip kung bakit ganon nalang ang ngitian nila kanina, tsaka di naman ganon si Micka pag may nakikilala syang kaibigan ah? Napa-iling nalang ako at halos sa noo ko dahil sa mga iniisip ko.
"You ok?" Tanong ni Jimin hyung kaya napatigil ako sa pag iisip.
Tumango ako dito.
"Kanina kapa kase tahimik dyan, may problema kaba?" Tanong nya. "Bagong chicks nanaman yan siguro 'no, nabuntis mo?" Pang aasar nya na ikinagulat ko.
"Anong nabuntis, wala akong nabuntis hyung ha, sapakin kita dyan e" maangas na sagot ko sabay bato sa kanya ng unan. Andito kase ako sa kwarto nya.
"Ahh, so hinde?!" Sabi nya sakin at binato pabalik yung unan.
Grabe namang mag isip tong si Hyung tahimik lang, bagong chicks agad tapos nabuntis pa? Aba naman ibang usapan nayan..
"Dun ka nga nga! Umalis kanga dito!" Sigaw nya sakin dahil sa pagtingin ko sa kanya ng seryoso.
"Tinawag tawag mo ako dito tas papalayasin mo din lang ako agad?" Tanong ko. Gago 'to ah tatawagin ako dito sa di malamang dahilan tapos ngayon lang palalayasin ako. Siya na nga 'to nag open ng topic na di maganda parang ako pa yung masama.
"Matutulog na nga ako" sabi nya at hinila na ako para palabasin ng kwarto nya. "Ayokong mapuyat kakapanuod sayo" dagdag nya kaya napatigil ako.
"Kakapanuod sakin?" Tanong ko at hinarap ko sya sabay duro sa sarili ko ng nakalabas na ako ng kwarto nya.
"Oo, baka mapuyat pako dahil lang sa pinapanuod kita habang iniisip mo yang nabuntis mo!" Nanlaki ang mata ko ng banggitin nya nanaman yon.
"Ano ba hyung sinabi nang--"
Sagot ko pero pinagsaraan nya ako agad ng pinto. Kainis..Papansin talaga. Magwowork out kalang dyan mag isa e, ayaw mo lang akong isama. Tsaka 7:28 pm palang naman ah, ang aga naman nyang matulog kung ganon.
Napa-ngiwi nalang ako at binalewala nalang sya. Naglakad nalang ako papunta sa kwarto ko. Hinawakan ko ang handle mg pinto ng kwarto ko ng tawagin ako ni Micka.
"Kuya, bagay ko ba?" Nagulat ako ng nakita ko syang naka suot ng nerdy glass.
Nangunot naman bigla ang noo ko. "Ano na naman yan Micka? Bat ka nakapang ganyan ha? Sinuot mo nanaman yang salamin mong yan mas maganda ka naman kung wala kang suot--" napatigil ko ng nagsalita sya..
"Ang layo ng sagot tinatanong ko lang naman kung bagay nagtanong ka din?" pamimilosopo nya. "Bagay konga?" Ngiting sabi nya at nagpose pose pa sa harapan ko.
"Diba may conta--"
"K, fine" sabi nya dahilan ng paghinto ko sa pagsasalita. Tumalikod sya sakin at naglakad papalayo. "Alam ko namang di ko bagay!" Sigaw nya sakin habang naggalakad palayo.
Pss.. Baliw lang bakit pa kase sya mag susuot ng ganon e may contact lens naman sya.
Napa iling nalang ako at tuluyang pumasok sa kwarto ko.
**
Mikay's POV
"Good morning Philippines!" Bumangon nako sa higaan ko, masaya pala yung ganon na may kaibigan kang Mikay din. Haha.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..