~*~
Mikay's POV
Lumapit ako agad dito ng nakita ko syang naka sandal sa motor nya.
Ano namang ginagawa nya dito? Kanina andun lang ito sa loob ah bigla nalang napupunta dito.
"Huy? Anong ginagawa mo dito" tanong ko dito.
"Huy?" Di padin kase sya nasagot.
"Bakit ka andito?" Nabigla nalang naman ako ng magsalita ito. Bakit biglang ganito na ang pakikitungo nya. Kanina lang mukhang batang nagsosorry e. Binilhan panga akong teddy bear tapos ngayon biglang ganito na..
"S-syempre hinahanap kita" sagot ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa akin, grabe ha. Kung nakakamatay lang ang tingin. Sigurado ako kanina pa ako patay dito.
"Bat moko hinahanap? Masaya naman dun diba? Bumalik kana doon" nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
"Ha?"
"Diba kasama mo yung Jes ba yun? Psh ang pangit ng pangalan"
Teka nga. Ano bang problema netong taong to? Kala mo'y babae na bigla biglang dinadatnan ng dalaw at ganyan nalang sya nagsusungit.
"Babe. Mamiss kita. Kumusta kana babe~ haha. Talaga ba babe nagkakagusto sila sayo~" pangiwi ngiwing sabi nito at saka ako inirapan. Ay wow! Anong nangyare?
"Bakit? Anong masama dun?" Tanong ko ng natatawa.
"Eh di hamak na mas gwapo ako dun e" pairap irap na sambit nito. Nagmumukha siyang babae pag ganyan.
"T-teka nga? Ano bang problema mo?" Tanong ko dito.
"Di hamak naman na mas gwapo ako dun" pabulong na sambit nito habang nakatingin sa helmet niya na nakasabit sa manobela ng motor niya.
Teka nga. Nagseselos ba sya?
"N-nagseselos kaba?" Hayst... Anong klaseng tanong yan Amira. Lakas mo maka straight to the point ha. Langya ka. Mapapahamak ka sa pinaggagagawa mong yan e.
Tumingin lang naman ito ng diretso sa akin. Lagot. Sabi kase e. Mapapahamak ka sa pinaggagagawa mo. Nagtanong kapa.
Grabe papatayin kana talaga nyan. Kung kanina dahil lang sa pagdadrive nya ngayon naman sa tingin nya.
Tumayo ito mula sa pag kaka sandal nya sa motor nya at sumakay dito. Pinaandar nya ito dahilan para maalarma ako. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan ito.
"H-huy. S-saan ka pupunta?" Tanong ko dito.
"Sakay" anito dahilan para mangilabot ako. Ganito ba talaga sya kacold pag nababadtrip?
"B-bakit?" Utal na tanong ko.. Nakakakilabot talaga sya magsalita.
"Edi maiwan ka" anito at pinabomba ang motor nya.
Nakuu naman ee.. Ano ba namang mood meron ang lalaking ito. Matapos niya akong dalhin dito saka niya ako iiwan.
"T-teka lang. Langya ka. Dinala moko dito tapos iiwan moko" maktol ko.
Agad naman akong umangkas dito at pinaharurot nya na yung motor nya.
Tahimik lang ako habang nasa byahe kami, alangan namang magsalita ako e di naman nya ako maririnig, sa bilis ba naman ng patakbo nito. Tsaka kahit gustong gusto ko nang mag sisisigaw sa takot, diko magawa.
Nakaka takot kase. Baka mamaya mabadtrip sa akin ito ng tuluyan tapos iwan nalang ako sa kung saan. Baka mawala pa ako sa mundong ito ng di oras.
Hanggang sa maka rating kami sa bahay ganun pa din ito. Agad akong bumaba sa motor at akma na sanang papasok sa gate ng bahay namin ng tawagin nya ako.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..