~*~
Mikay's POV
"Yahhh!! Ang saya!!!!" Sigaw ni Micka pag pasok namin sa private room nila Zorren
"Oo nga. At nakakapagod pa!! Andami naming napanalunan ni Irene" mukhang nalove at first sight nanaman itong si Zake ah. Iba nanaman kase ang pagkakasabi nya sa pangalan nung Irene e.
"Aba. May bago ka nanamang kaladyaan ah" pang aasar dito ni Jeon na nasa tabi ni Micka. Alam nyo sa saglit na pagsasama namin ni Jeon dahil sa laro at mga rules nayan may nalaman ako sa kanila e.
Nalaman ko lang kase na matagal na palang may gusto tung si Jeon kay Micka. Mula pa daw noong bata sila. Nung una ayaw pa nga niyang sabihin e pero dahil magaling akong mangumbinse wala syang nagawa. Ngayon ko lang din nalaman na magkababata pala sila ni Micka at nila Zorren.. Kaya pala ganun na lang katibay ang relationship nilang pito.
Nagtawanan naman kami dahil sa pagbabago ng itsura nito.
"Tama na iyan. Pansinin nyo naman ako dito. Kanina pa ako naka simangot e." Ani Kyler dahilan para magtaka ako. Tinuro nya naman si Zorren gamit ang mata nito kaya naman napa 'Ahhh' nalang kami.
"Oo nga naman kase" pag sang ayon ko dito. Pero itong si Zorren seryoso parin ang itsura. May problema ba to? Kaninang nag start ang Christmas party namin sa room okey pa naman to hanggang nung mag start yung laro pero ngayon bigla nalang naman itong naging ganto.
"Huy!" Bigla naman itong nataranta ng sinigawan ito ni Blaire. Tila ba wala sya sa sarili nya.
"B-bakit?" Tanong nito dahilan para matawa kami. Sinimangutan nya naman kami ng pagtawanan natin ito.
"Ano bang problema mo? Kanina kapa ganyan ah" tanong dito ni Blaire.
"Wala." inis na sagot nito dito at bigla nalang tumayo at lumabas ng room.
"Problema nun?" Tanong ko sa kanila, kibit balikat lang naman ang sinagot nila sa akin.
*Zorren's POV
Naka upo ako ngayon sa harapan ng sasakyan ko. Andito padin ako sa school natural. Bukas na din ang gate para sa mga gusto ng umuwi kaya medyo nababawasan nadin ang mga estudyante dito. Sa totoo lang gusto ko na ding umuwi e.
"Sabi ko naman sayo mahal ka nya" napa balikwas ako sa gulat ng biglang may bumulong sa tenga ko.
Sino yun? Lumingon ako sa paligid ko pero wala namang tao. Kaya bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at nag isip isip ulit ng biglang dumaan si Alex ba yun?.
"Uhmn. A-alex!" Pag tatawag ko dito. Kaya naman napatingin ito sa akin na may halong pagkagulat. Siguro nagtataka sya dahil sa wakas kinausap ko at tinawag ko sya sa pangalan nya.. Sa totoo lang wala talaga akong balak kausapin sya pero itatanong ko lang sana kung nagpunta ba sya dito sa likod ng sasakyan ko. Baka kase sya yung bumulong sa akin. Madali lang syang nakapag tago kaya diko nakita.
"Bakit?" Tanong nito ng makalapit ako sa kanya.
"Uhmn. A-ano kase" parang napaka awkward naman kung itatanong ko talaga yun sa kanya. "Ah. H-hindi nalang pala." Sambit ko at akma na sanang aalis ng nagsalita ito.
"Hindi. Okey lang. Tungkol ba kay Amira yan?" Tanong nito kaya naman napatango ako. Wala nang atrasan to. Itatanong molang naman.
"Hindi naman totally na tungkol to kay Amira. Ano kase... Itatanong ko lang sana kung... Nagpunta kaba kanina sa likod ng sasakyan ko?" Medyo nahihiya kong tanong. Kaya naman kinagat ko ang labi ko.
Nakunot naman bigla ang noo nito.
"Hindi ah. Kadadaan ko nga lang dito ngayon e. Bakit? Ano bang nangyare?" Tanong pa niya."Eh kase. Parang mag bumulong sa akin ng 'sabi ko naman sayo mahal ka nya'" sambit ko kaya naman napatawa ito ng konti.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Ficção AdolescenteMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..