Chapter 14

10.5K 317 25
                                    

~*~

Mikay's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Puting kulay agad ang bumungad sa akin. Sa una ay akala ko ay kung ano ito, tekaa nasa langit na ba ako??

Wag naman po sanang mangyare iyon..

Ipit na ipit ang tili ko dahil sa takot ng maramdaman ko ang malamig na hangin sa buong katawan ko.

"Lord wag nyo pa kong kunin.. Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan ko kung naging masamang anak man ako. Tapos kase magiging Kpop star pa po ako tapos magiging sikat ako tapos gaganda pa~" napahinto ako sa pag tili qng paghingi ng tawad sa panginoon nang biglang may nagsalita. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Zorren.

Hanggang dito ba naman sa heaven naka sunod pa itong lalaking 'to.

Muli akong napatili dahil sa inis. "Anubayan! Lord naman e. Bakit po ba hanggang dito sa heaven andito po tong si Zorren di' ba dapat nasa impyerno to pero bakit~" muli akong napatigil dahil sa malakas na pag sigaw.

"HOY!!" nakakabinging sigaw nito sa akin. "Ano ka ba? Natatanga kana ba o tanga kana talaga?!!" Para akong tangang natauhan ng mailibot ko ang paningin ko. Nasa isang kwarto kami na puro puti ang kulay ng pintura. Hinawakan ko ang pag mumukha ko tapos ang katawan ko. Umupo ako at napag-tanto kong buhay pa ako dahil biglang sumakit ang likod ko.

Bata pa naman ako pero bakit ang aga kong dinapuan ang rayuma.

"Aww. Aray ko...." Daing ko sabay hawak sa tagiliran ko at hinilot ito. Ansakit talaga. Napangiwi nalang ako. Tingingnan ko ang sarili ko at nakita kong nakaputing tshirt nalang ako at pajama.

"Ano nagising ka na ba? Nananaginip ka pa yata e. Sinusundo kana ba? Bakit dika pa sumama ha!" Mataray na sabi ni Zorren sakin. Kahit kelan talaga napaka sama ng ugali ng lalaking ito kala mo gwapo. Pasalamat ka may itsura ka..

"Hoy!! Nananaginip ka padin ba hanggang ngayon?" Bumalik ako ng tuluyan sa reyalidad ng muli kong marinig ang boses ni Zorren. Naramdaman ko din ang kirot ng likod ko.

"Heh! Wag ka nga diyan. Tsaka nasan ba ako? Bakit andito ako?" Tanong ko sa kanya habang kunot ang noo.

"Andito ka sa clinic. Ang galing ah. Naka limutan mo agad yung nangyare kanina? Bakit di mo pa kinalimutan lahat para masaya!!" Pang aasar nya na mas lalong ikinasama ng itsura ko.

Napa-irap ako dahil sa pagtataray niya. Napa-kamot ako sa ulo ng maalala ang mga nangyare kanina. Napaka samang demonyitang Xandreang yon ang may gawa nitong rayuma ko. Walang hiya talaga sya. Humanda sya sakin. Di ko sya hahayaaang ganon nalang ang gawin sakin.

Lalaban ako. Pero paano ko lalaban kung mag isa ko lang?. Napa-ngiwi nalang ako dahil sa walang kwentang mga kaisipang pumapasok sa isip ko.

Tanga ka din pala Mikay ee.
Hayaan nalang natin yung reynang bubuyog nayon at focus sa pag aaral dahil mabait ka hayaan mo na siya.

"Tumayo kana dyan at ihahatid na kita. Gabi na" sambit nya pa at lumabas na ng clinic. Bigla naman akong may narinig na kaluskos sa ilalim netong hinigaan ko kaya agad nako bumaba at patakbong sumunod kay Zorren. Baka may daga o ipis pa akong makita dun at pumunta sa akin. Ayoko ng ganon.

Pag dating namin sa parking lot sumakay na sya agad sa driver seat kaya pumasok nadin naman ako don sa bandang likod ng inuupuan nya. Isusuot ko na sana yung seat belt ng nagsalita sya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tiningnan ko sya. Naka-lingon ito sa akin.

"Sabi mo ihahatid mo ako kaya~" di nya ako pinatapos pa at sya na ang nagsalita.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon