~*~
Mikay's POV
"Mama, g-gising kana!" Sambit ko sabay ng pagtulo ng luha ko. Niyakap naman ako pabalik ni mama.
"Shh, wag kanang umiyak anak." Pagpapatahan niya sakin. Inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha ni mama. Nakangiti siya sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya, totoo nga. Gising na si mama.
"Mama p-paano po?---" di ko naituloy pa ang sasabihin ko ng tumingin si mama sa likod ko. Kaya nilingon ko din ito.
"Tinulungan nya ako" ngiting sambit ni mama. Hindi ko maiwasan ang pag kunot ng noo ko.
"S-si Zorren?" Nilingon ko si mama. Nanatili akong kunot ang noo habang inaantay ang sagot niya. Impossible..
"Oo" maikling sagot ni mama habang nakatingin pa din kay Zorren.
Seryoso?..
"Pero----" muling naputol ang sasabihin ko ng nagsalita naman si tita.
"Ay nako! Wag muna nating isipin yang tungkol dyan dapat masaya tayo dahil gising na ang mama mo." Sambit ni tita at ngumiti sa akin.
"Tama yon anak" sagot naman ni mama at saka nito hinaplos ang buhok ko. Tumango nalang ako at tumingin kay Zorren. Nakasandal lang siya sa pinto. Tumingin din siya sa direksyon ko pero agad akong umiwas.
Bakit niya kami kailangan tulungan? Kaya ko namang ipagamot si mama e. Ang pinagkaiba lang siguro hindi pa ngayon. Huminga nalang ako ng malalim at tumingin ulit sa masayang mukha ni mama. Napangiti nalang din ako ng makita siyang masaya.
Masaya kaming nagtatawaman ng biglang napunta sa usapan na pag hingi sakin ni Zorren ng favor.
"Ah iho maraming salamat pala ha" pag papasalamat ni mama kay Zorren. Dahilan para tuhimik kami. Tumingin ito sa akin at ngumiti, ganun din ako dito.
"Wala po yun" ngiting sagot ni Zorren. Sus! Pakitang tao naman nito. Pero hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil sa saya at pasasalamat sa lalaking ito.. Pero galit pa din ako.
"Ano bang magagawa ko para mapantayan ang ginawa mo" tanong naman ni mama. Napa-tingin ako kay Zorren na nanatiling naka tingin kay mama.
"Ah h-hindi po wala--" napahinto sa pagsasalita si Zorren ng nakisingit si Zake sa usapan.
"Ah isa lang naman po e. Ang magpanggap si Amira na girlfriend-- ammp" agad na tinakpan ni Kyler ang bibig ni Zake dahil sa nais na lumabas sa bunganga nito.
"Tumahik ka nga" sita sa kanya ni Kyler na hindi pinapahalata. Tumingin ito kay mama at ngumiti "Wag nyo po siyang pansinin"
Hindi dapat yun malaman ni mama. Ako ang may problema doon at di siya kasama. Grabe naman talaga. Napakadaldal ng babaerong lalaking iyan. Napansin ko namang sinamaan ng tingin ni Zorren si Zake na nasa likuran ko.
"Anong magpanggap?" Takang tanong naman ni mama. Napa-pikit ako ng mariin at napahawak sa noo ko.
"Aah a-ano po kase--" Napakamot ulo si Zorren..
"A-ah ano po tita ako na po magpapaliwanag sa inyo" biglang singit ni Mikay na nasa tabi ko. Tumayo naman siya at lumapit kay Mama. Naglakad naman si Zorren palapit sa anim na nasa likod ko ng may matalim na tingin kay Zake. Tsk.
Agad siyang kinaladkad palabas ni Zorren. Sumunod naman sa kanila yung lima. Kainis. Ang daldal kase..
*Zorren's POV
Kinaladkad ko palabas si Hobi hyung. Tarantadong lalaki nato, ang daldal niya talaga.
"Aray ko naman" maktol niya habang hinihimas ang batok niya. Binatukan ko lang naman siya.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Genç KurguMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..