~*~
Mikay's POV
Napatakip nalang ako sa bibig ko at kasabay nito ang pagbagsak ng luha ko..
S-si Zorren.... Naka luhod sa harapan ko at may hawak na isang red box na naglalaman ng singsing.
"Amira... A-alam ko masyadong madali 'to lalo na't di mo pa ako nagiging boyfriend pero ngayon palang. Gusto kona sanang hingin ang sagot mo.."
"Amira.. Can you be my girlfriend?. I want to protect you and I want to sacrifice mg life for you. And I want you to be my Mrs. Clanford"
Napa hagulgol ako ng iyak at halos mapa luhod ako sa sobrang panlalambot. Yung tuhod at buong katawan ko nanginginig at tanging tango lang ang naisagot ko.
"Yes!" Halos pabulong kong sabi na syang dahilan para mapa ngiti ito.
"Yes??" Di makapaniwalang tanong nya kaya naman tumango ako.
Grabe!! Buong akala ko ang pagsakot sa tanong na gaya nito ay madali lang dahil tango at salitang "Yes" lang ang isasagot mo pero hindi pala. Dahil samu't saring emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Masaya na kinikilig dahil ngayon ako na nakakaranas ng ganitong mga senaryo na ang akala ko ay madali lang.
Pero hindi pala.
Parang nagkakarera sa bilis ng pagtibok ang puso ko. Sobrang saya ng puso ko dahil sa bilis ng pagtalbog nito. Siguro pati sya kinikilig dahil may isang Zorren na nasa harapan ko ngayon at hinihingi na ang kamay ko para maging isang Mrs. Clanford.
Tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit na halos buhatin nya ako.
"Yes!!! Yes!! Yes!!.... Guys!! Did you hear that?? She said Yess!!!!" Napa kunot ang noo ko ng humarap sya sa pader at tumingala saka ko napag tantong may CCTV paka dito sa room namin.
"Yahhhh!!!" Nag tatalon ito sa sobrang tuwa.
Napa tawa naman ako sa kanya. Tumigil ito sa pag talon at tinignan ako. Tumakbo ito palapit at niyakap ako ng pagkahigpit higpit..
"Iloveyou.. Iloveyou.. Iloveyou" bulong sya sa akin.
"Oww. wait." kinuha nito ang singsing sa red little box na hawak nya at sinuot sa akin. "Bagay!" Masayang sambit nito.
..."Iloveyou" sambit nya ulit.
"Iloveyoutoo!" Naka ngiti naman nitong sagot ko.
"Tara!" Hinila nya ako palabas saka kami bumaba at pumunta sa auditorium.
"KYAAAHHHHH!!!" nakakabinging hiyawan ang sumalubong sa amin ng makapasok kami dito.
Napa tingin ako kila Mikay na papalapit sa amin.
"Grabe!! May asawa kana!!" Sabi ni Julie at nagtitili.
Kumunot ang noo ko. "Asawa ka dyan?"
"Oh bakit? Hindi ba? May singsing na oh" tinuro nito ang kamay ko kung saan naka suot ang singsing na bigay ni Zorren.
Napangiti nalang ako.
"I'm so happy for you beb!" Niyakap ko naman si Mikay saka sumunod si Julie.
"Congrats hyung!! Basta ah ninong ako" sambit naman ni Zake na ikinatawa ni Zorren.
Hinampas ko ang braso ni Zake. "Bwisit ka! Anak agad! Di panga kinakasal!" At pinag hahampas ko ang braso nya lalo.
"Aray! Aray! Hyung oh yung asawa mo!!" tinuro ako nito na parang naiiyak na nagsusumbong kay Zorren.
"Diba! Sabi ko dyan din lang tungo nyan!" Naka turo saming sabi ni Kuya Drake. Napa ngitinnalang naman ako.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..