~*~
Mikay's POV
Habang natatanga ako dahil sa inaasta ng mga tao dito ngayon.
Napalingon nalang ako ng may tumawag uli sa aking Princess kunno!.
"Morning princess" bati sakin ni Zorren ng naka ngiti. Pati ba naman sya..
"Z-zorren maliban sa ginawa nila Xandrea kahapon ano pa bang ibang nangyare?" Tanong ko sa kanya na naka kunot ang noo
"Nothing princess" ngising sagot nya. Bakit ba princess ang tawag nila sakin? Eh hindi naman ako prinsesa.
Tsaka teka nga ano nanamang nakain neto? Kung nung una napaka Playboy ng asta nya pangalawa biglang magsusungit dinaig pa ang babaeng may regla.
Tapos ngayon parang asong umaamo sa kaaway nya. Ano yun?
May pagkatanga din pala itong si Zorren.
"Anong nothing ka dyan? Ano nga?. Sabihin mo kasi!" maktol ko sa kanya.
"Ayun sila oh'
"Yie magkasama sila"
"Bakit kaya siya no? Nerd lang sya e"
Mga bulungan ng mga estudyante dito malapit sa amin.
So iyon ba yung nothing lang? Hindi talaga tama 'to e. May iba pang nangyare..
Sinubukan kong inalala ang mga nangyare kahapon pero wala na akong iba pang maalala. Basta ang naaalala ko lang ang yung pakikipagsagutan ni Zorren kay Xandrea, yun lang.
Napa-iktad ako sa gulat ng may biglang humawak sa kamay ko.
Napa-angat ang tingin ko kay Zorren.
"Let's go babe" sambit nya na ikinalaki ng mata ko.
"Anong~" sinubukan kong hilain ang kamay ko na hawak niya pero hindi niya ito binitawan. Mag sasalita pa sana ako pero agad nitong inilapit ang mukha niya sa akin.
"Titigil ka o hahalikan kita" agad kong inilayo ang mukha ko at umiwas ng tingin. Kusang tumikom ang bibig ko. Ayoko at hindi ko hahayaang makuha nya ang first kiss ko dahil para kay someone lang yon.
Napa-ngisi ito dahil sa inasta ko. Agad naman itong umayos ng tayo at bigla nalang naman akong hinila kaya napasunod nalang ako sa kanya.
Umakyat kami hanggang sa third floor. Grabe san damakmak na bulungan ang naririnig ko. Merong mga kinikilig merong ding mga naiinis tapos ang masama pa napaka raming negative comments silang binabato sakin.
Pumasok kami sa isang room. Kung di ako nagkakamali eto yung private room nila andito kase sila lahat e.
"HELLO PRINCESS" Bungad nila. Anong? Pati ba naman sila?
Kunot ang noo ko silang tinignan isa isa.
"T-teka nga. Diko kayo magets. Bakit ba princess kayo ng princess? Nung una si kuya Dan tapos yung estudyante tapos ngayon kayo?" Takang tanong ko habang naka turo ang hintuturo ko sa kanila.
Natawa naman bigla si Kyler "Hindi nya pa nga alam" anito na mas lalong ikina kunot ng noo ko.
Sinabi na nga ba. May iba pang nangyare..
"Ano ba talaga yon?" Agad na tanong ko. Sobrang naguguluhan na ako dahil sa mga inaasta nilang lahat..
"Tanong mo sa boyfriend mo" sabat ni Blake at ngumuso pa a parang may tinuturo. Nilingon ko si Zorren na naka sandal sa pinto habang nakahalukipkip ang mga braso sa harap ng dibdib nito at nakakrus pa ang mga binti nito
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..