~*~
Zorren's POVBakit ganon nalang sya ka deserving na lumaban sa akin? Kahit na alam nyang lahat kaya kong gawin.
"Hyung, ayos kalang?" Napalingon ako kay Jeon ng hawakan nito ang balikat ko, tumango lang naman ako dito.
Pero ang totoo hindi, parang napaka bigat ng pakiramdam ko. Parang may masamang mangyayare. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyare at sinabi ng babaeng iyon. Napaka deserving nyang labanan ako samantalang di man lang siya makapalag kanina sa mga estudyante pinagtutulungan sya.
Aist. Hindi ko alam.
"Mukhang naawa na si Hyung kay miss nerd" kantyaw sakin ni Hobi hyung dahilan para magsitawanan sila. Pero di ako kumibo. Naguguluhan ako. Parang may hindi talaga magandang mangyayare.
"Hyung ayos ka lang?" Nang napansin ako ni Jimin hyung nilapitan nya ako at tinap ang balikat ko. Nilingon ko sya pataas dahil sa naka upo ako sa sofa at narito na kami ngayon sa private room. Nanatiling tahimik lang ako at walang kibo.
"Hyung bakit?" Tanong uli nya. Umiling lang ako at tumingin uli sa ibang direksyon.
"Hyung bakit ganon? Parang may mangyayareng hindi ko magugustuhan, kinakabahan ako?" Nag aalangang sabi ko sa kanila at yumuko.
"Ayan." Napa-hinga naman ito ng malalim at hinawakan ang balikat ko "Tingin ko talaga dapat mo na syang tigilan, talagang lalaban sya kahit na anong gawin mo e tsaka tignan mo iba na ang nagiging pakiramdam mo dahil don.." sambit ni Jimin hyung kaya na palingon uli ako sa kanya.
"Tama sya hyung, iba sya. Oo nga't isang nerd lang sya pero nakikita mo naman di'ba, kaya niyang lumaban" ani Yoongi hyung.
"Bakit ba ganun sya hyung? Parang kayang kaya nya ako!" Takang tanong ko sa kanila. Napaka iba nya kase talaga. Babae nga sya at isa pa syang nerd pero napaka iba nya pag kinalaban. Aist..
"Tama na kakaisip nyo dyan, gumimik nalang tayo" pag aaya ni Hobi hyung na sinang ayunan ng lahat.
Iba talaga tong lalaking to, akala mo'y napaka tino pag nakita sa mukha pero nakapa chickboy naman. Hayy.
Nagsihanda na sila para sa paggimik namin pero bago pa man namin mabuksan ang pinto, biglang pumasok si Mikay, ang bunso naming kapatid ni Jimin hyung.
"Oh Mikay--" di natuloy ni Jimin hyung ang sasabihin ng bigla itong magsalita..
"Ikaw ba ang may pakana non?" seryosong tingin ang binato nya sa akin. Masama ang tono ng pananalita nya at maging ang aura nya..
"Ano yun Mikay?" tanong ko at lumapit dito. Hahawakan ko sana sya sa braso ng bigla nyang tinabig ang kamay ko.
"Kuya ikaw ba may gawa non?" Seryosong tanong nya sa akin at tinuro ang labas ng pinto na para bang may sinasabi.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..