~*~
Zorren's POV
Huminga ako ng malalim at tumingin sa pagkain ko.
"Hyung. May problema ba? Kanina kapa tulala at naka ilang buntong hininga kana din dyan" tinignan kolang naman si Jeon at bumuntong hininga ulit.
"No. I'm okey" sagot ko dito. "Wala paba sila Micka?" Tanong ko dito.
"Kanina pa kami dito Kuya." Napa angat ang tingin ko at nakita ko si Micka sa harapan ko. Hindi ko sila napansin.
"Zorren. Kumain kana." Sambit naman ni Dianne kaya kumain nalang ako kahit wala akong gana.
Bakit ba kase ganun maki tungo si Amira sa amin. Sa akin?. May problema kaya sya?.
Mula kahapon parang umiiwas na sya sakin nung nakita ko sya paalis. Hindi kaya nakita nya?.
Sana hindi.
Bakit ba kase kailangan pang ulit ulitin kong sabihin dito kay Dianne na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya. At kung meron man hanggang ngayon hindi na gaya yun ng dati.
Pag pasok ulit namin sa classroom nandun na si Amira at busy na nagsusulat ng kung ano sa notebook nya.
"Hi Amira" bati sa kanya ni Dianne. Tumingin lang naman ito sa akin pero agad ding umiwas. Nginitian nya lang si Dianne at pinagpatuloy ang ginagawa nya.
Hindi ko alam kung ano bang problema ni Amira pero kase paki ramdam ko ko iniiwasan nya talaga ako pero diko alam ang dahilan..
"So ano ang balak nyong maging booth natin sa Foundation Day guys?" tanong ni Dianne sa mga classmates namin. Malapit na kase ang Foundation Day dito sa school kaya lubos lubos na ang paghahanda ng mga estudyante para sa araw nayun.
At eto kami nag iisip ng pwedeng ihandang booth.
Matapos naming pag usapan ang tungkol doon ay agad na silang nag silabasan. Tutal uwian nadin naman kaya lumabas nadin ako. Pero pinauna ko na si Dianne at sinabing puntahan nya sila hyung kaya pumayag nalang ito.
Hinabol ko si Amira para kausapin sya. Sana naman ngayon sabihin nya. Kinakabahn ako sa kinikilos nya e. At baka nga di nya na ako sagutin.
Kung tungkol to doon sa diko pagpayag na mamasyal sila ng sila lang. Pinroprotektahan kolang naman sila. Ayoko silang pakawalan dahil baka mamaya makita sila ng mga alagad ni Hunter.
Nang nakita ko si Amira na pababa ng hagdan agad ko itong tinawag.
"Amira!" Napahinto ito at dahan dahang humarap sa akin. Kahit di nya sabihin alam kong pilit lang ang ngiti nyang pinapakita gaya kahapon.
"Z-zorren!" Tila nabiglang sabi nito. "Uhmn. B-bakit? M-may tanong kaba about dun sa booth naten?? May gusto ba kayong idagdag? Saka nalang kase baka kulangin ang budget natin" Tarantang sabi nito. Pero umiling ako.
"No. Ah -uhmn..." Bakit ba ako nauutal at kinakabahan ngayon?. "U-uwi kana?"
"Oo. B-bakit?" Ngiting tanong nya. Kahit pilit ang mga ngiti nya ang ganda nya padin.
"Uhmn. W-wala naman" napa yuko nalang ako.
"Ah. Okey. S-sige. U-una nako" sabi nito at tumalikod na pero agad ko syang hinawakan sa braso.
"Wait"
Hinarap ako nito pero ngayon. Wala nang ngiti sa labi nya.
"May problema ba?" Tanong ko habang naka tingin diretso sa mga mata nya pero inawas nya ito.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..