~*~
Mikay's POV
Matapos naming mag umagahan ni Julie napag isipan kong maglinis ng bahay. Medyo di na kase ako nakakapag linis ng maayos dito sa bahay e, kadalasan kase nagtatambo nalang ako. Wala e busy sa school. Si Julie naman ayus umalis muna kase may group project daw sila ng mga classmates nya kasama si Mikay. Baka nga daw late na syang maka uwi kaya mag isa ako ngayon dito.
Actually madalas siya dito ngayon kaysa sa bahay nila. Mas malapit kase yung school dito sa bahay namin kaya dito na siya nag stay. Tutal mag-isa lang naman ako at minsan lang din makauwi si mama.
Nilinis ko yung kwarto ko mula sa kasulok sulukan nito, pati sa kusina lahat. Ang di ko nalang nalilinis ay yung kwarto ni mama.
Kaya pumasok ako doon. Nilinis ko ang buong kwarto nya at pati ang kama nya inayos ko. Pati yung mga closet nya don maalikabok na. Pinagpagan ko ito kaya medyo naubo ako. Nang matapos ko, lalabas na sana ako ng naalala ko yung walis tampo na nandun naka lapag sa sahig malapit sa kama ni mama. Di pa kase ako tapos sa labas e kaya kinuha ko ito ng may napansin akong kahon sa ilalim ng kama ni mama.
Agad kong hinila ito at binuksan. Madaming laman ang kahon na photo album. Binuklat ko ito at tinignan isa isa. Mga pictures ko ito nung bata ako.
Napangiti nalang ako dahil dito. Ganito pala ako nung bata ako. Bungisngis.
Halos lahat ng album nakita ko na ng may napansin akong isang picture na naka pailalim lang at naka taob ito. Kinuha ko ito at tinignan.
Bakit andito ako? Meron kaseng babae't lalaki dito at bata, ang pinagtataka ko lang kung bakit yung batang buhat nung babae ay ako. Tinignan ko maigi yung babae pero diko sya kilala di din naman ito si mama, imposible kase di mo talaga masasabing si mama ito kase malayo naman sa itsura. Pati yung lalaki diko kilala. Sino kaya sila?
Napatigil nalang naman ako sa pag iisipin ng biglang may nagtawag sa akin. Agad kong inayos ang mga album na ito at nilagay sa dating lalagyan nito pero yung picture ko at nung babae't lalaki ay kinuha ko at nilagay sa bulsa ko. At agad na naggayak para lumabas, Baka si mama na iyon.
I ran immediately to open the door but my forhead creased ng nakita ko kung sino yung dumating. Hindi naman kase si mama yung nakita ko kundi si Zorren.
"Ano ginagawa mo dito?" Pagtataray ko. Pano sobra akong nagmadali baka kase si mama na yun e tapos hindi pala.
"Wala" maikling sagot nya.. What? Nag punta sya dito tapos wala lang pala??. How stupid.
"Seriously?? Nagpunta ka dito sa wala lang?" Inis na sagot ko. He's kinda crazy. O talagang baliw na talaga. Papasok na sana ako sa bahay ng bigla nya akong tawagin.
"What?" I exclaimed. He interrupted me.
Lumapit sya sa akin at pumasok sa bahay ko.
"Hey. What are you doing? Ano bang pakay mo dito?" Sunod na sunod na tanong ko habang hinahabol sya papasok sa bahay.
Tumigil sya at hinarap ako. Kaya napahinto din ako.
"Pinapasundo ka ni Yeodongsaeng" he said. Para saan naman?
Bakit naman ako ipapasundo ni Mikay? Diba nasa group project sila ni Julie? At tsaka sabi ni Julie baka late na sya makaka uwi kaya paano ako ipapasundo nun?.
"Huh? Bakit naman ako papasundo nun? Eh diba may group project sila nila Julie?" Takang tanong ko..
"Aba anong malay ko. Basta ang sabi nya sunduin daw kita." Sagot nya at mag kinalutkot sa cellphone nya. "Eto oh, basahin mo" bigla nya nalang tinutok sa mukha ko yung cp nya kaya imbis na mabasa ko iyon hindi, naduling lang ako.
"Tsaka tinext naman kita na pupunta ako e diba?" Sambit nya kaya napakunot noo ako. Wala naman akong nabasa e. "Teka wag mong sabihing di mo hawak yung cellphone mo ha?" Tanong nya pa. I just shrugged
"Eh pano ko yun hahawakan? Naglilinis ako ng bahay" sagot ko sa kanya. "Teka lang mag aayos lang ako" dagdag ko.
Buti nalang natapos ko na din yung pag lilinis ng bahay.
Agad naman akong nagpunta sa kwarto at naligo. Nag skinny rip jeans lang ako at fitted Blue shirt tapos nag suot ako ng doll shoes. Nag lagay ako ng konting pulbo. Ayus nayan at syempre diko kinalimutan yung salamin ko
Teka nga oo nga pala yung cellphone ko, agad kong hinanap yun. Nang nahanap ko yun lumabas nadin ako.
I open it and I see 2 unread messages. Oo nga nagtext sa akin si Zorren.
"Tara" pag aaya ko sa kanya tumango lang naman ito at umalis na kami ng bahay.
Pag dating namin sa bahay nila Zorren andun nadin naman sila Mikay at Julie.
"Uy, akala ko ba may group project kayo?" Bungad ko sa kanila.
I still wondering kung bakit ba nila ako pinasundo kay Zorren. Akala ko kase talaga may gagawin silang group project pero. Aba pag dating ko dito ang ganda ng tawanan nila.
"Uy bess, andito na pala kayo." sambit naman ni Mikay ng makita kami palapit sa kanila.
"Diba sabi mo Jul may Group project kayo?" Tanong ko uli.
"Actually couz, natapos namin agad yung project na yun kase tulong tulong naman kami e." Sagot nya kaya napa tango nalang ako.
"Oh eh bakit nyo ako pinatawag?" Tanong ko. Sasagot palang sana si Julie ng nagsalita si Zorren. Panira talaga tung kumag na to.
"Uhmn. Yeodongsaeng akyat muna ako" sambit nito agad namang tumango si Mikay kaya umalis nasya.
"Ano nga. Tutal natapos naman namin agad yung project namin at maaga pa naman. What if mag mall tayo" masayang sabi ni Julie.
Ano.? Mall? Anong gagawin dun?
"Eh anong gagawin natin dun?" I asked.
"Malapit na ang prom couz ano kaba," sabi naman ni Julie at bahagyang hinampas ang braso ko.
So what? Ano naman kung malapit na ang prom? Di naman ako pupunta.
"Oh tapos"
"Edi bibili tayo ng dress para sa prom at syempre shoes!!" Sabay nilang sabi ni Mikay habang magkahawak ang dalawang kamay at nagtatalon pa.
Oo close na sila. Ang galing close sila.
"Ha? Kayo nalang uuwi na ako" sagot ko, lalabas na sana ako ng pigilan nila ako.
"Oh wait lang saan ka pupunta?" pigil nila sakin.
"Uuwi na, tsaka di naman ako pupunta sa prom na iyan e" sambit ko.
"What?"
"Ano?" Sabay nilang sabi..
"Eh ayoko n~" di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang nay nagsalita.
"You have to. Diba sabi mo ikaw ang date ko" napalingon ako sa second floor dahil sa nagsalita. Si Zorren lang pala. Agad namang umalis ito at pumasok sa kwarto nya.
Bwisit to. Sinabi ko lang naman yun dahil sa plano e. Badtrip sya.
"Oh see, you have to daw" sabi ni Julie.
"Yeah. Kaya we need to go na, hindi pwede yan Mikay, date ka ni kuya?" Sabi ni Mikay, at tinulak ako, magpupumiglas pa sana ako, pero nung dalawa na silang nag tulak wala na akong nagawa.
~*~
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..