Chapter 70

6.2K 166 3
                                    

~*~

Mikay's POV

"Tita" agad akong gumapang palapit kila tita at titk na nasa gilid kasama si Mikay.

Umiiyak sila kaya naman napaluha nadin ako. Si tito naman ay naka sandal lang sa pader na talagang labis din ang pag aalala.

"Ano bang nangyayare Denver? Bakit ganito?" Umiiyak na tanong ni tita at sumadal sa dibdib ni tito.

"Sshh. Maayos din ito. Wag kang mag alala. Pupuntahan tayo dito ni Zorren." anito. Alam komg naniniwala din ito na kaya kaming hanapin nila Zorren.

Napa sandal nalang din ako sa pader at napa luha.

Lord. Kung meron man pong masamang mangyayare ngayon sana wag nyo na pong idamay sila tita at si Mikay. Kahit ako nalang.

Dahil pag nangyare yun mas magiging masaya pa akong makita si Zorren na yakap ni tita at tito habang umiiyak sa tabi ng puntod ko kesa ako mismo ang makakitang sila tito at tita ang iniiyakan nya.

Wala akong ideya kung anong nangyayare ngayon at bakit bigla nalang nila kaming dinudukot ng ganito. Hindi ko din alam kung saan ang kahihinatnan ang lahat ng ito. Pero may tiwala ako kay Zorren. Alam kong pupuntahan nya kami at ililigtas.

Kung di man alam kong sila tita ang ililigtas nya.

Mahal ko si Zorren kaya kung sino ang mga taong mahal nya ay mahal ko na din.

Napa pikit nalang ako at naka tulog na.

Nang magising ako hindi ko magawang umupo man lang dahil sa pag kahilo ko.

Ansakit nadin ng mga kamay ko.

"Good morning princess" napa angat ako ng tingin at nakita ko si Hunter na napaka ganda ng ngiti sa akin.

Pinilit kong umupo para harapin sya. Hinanap ko sa buong kwarto sila tita pero wala na ang mga ito dito at tanging si tito nalang ang narito kasama ko.

"Ingat lang. Baka matuluyan kana. Kawawa naman si Zorren. Tsaka.... May balak pa naman sana ako e" parang bigla akong binuhusan ng napaka lamig sa tubig ng bigla nya akong tignan ng malagkit.

Napako ang tingin nito sa binti ko. Hahawakan nya sana ito pero agad ko syang sinipa palayo.

Napatawa ito. "Ibang klase. Alam mo mas lalo kitang nagugustuhan e" sabit nya at tumayo saka naglakad palapit sa akin.

Unti unti naman akong umaatras. Pilit na idinikdik ang sarili ko sa pader.

Pero bakit?? Bakit di ako nakaka alis?? Please.. Lamunin na lang sana ako ng lupa.. Ayokong hayaan sya. Gusto kong lumaban, gusto kong makatakas dito kahit gaano kahirap basta wag lang. Wag lang talaga.

Nanginginig ang buong katawan ko habang umaatras palayo sa kanya.

Umupo ito sa tabi ko at agad na hinawakan ang binti ko.

"Yaahhhh!! Lumayo ka sakin!!!!"

"Wag please. Wag.. Patayin mo na lang ako please wag.." Napa iyak napang ako habang nagmamakaawa sa kanya na wag gawin ang nasa isip nya

"Zorren. Nasan kana ba? Please dumating ka. Pumunta ka dito at iligtas mo ako please. Wag mo siyang hayaan please. Kailangan kita. Please.. Please.. Please.. Pumunta kana dito. Ayoko na dito. Please.."

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon