Chapter 46

8K 260 32
                                    

~*~

THIRD PERSON POV

"Opo. Okey naman sya mom" sagot ni Jes sa kausap nya sa telepono.

"Yes mom. Don't worry about her. I will never leave her"

"Mom.. Mag ingat din po kayo dyan ni dad ha"

Pinatay na nito ang tawag at nahiga na sa higaan at natulog na.
*

Isang salamin ng katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan ni Zorren habang sila ay nasa byahe ni Amira.

Hindi nag sasalita si Amira dahil sa nang yare. Iniisip nito kung bakit nagawa yun ni Zorren sa kanya.

Wala din namang masabi si Zorren dahil sa kung anong ginawa nya kanina. Hindi nito napigilan ang sarili kaya nagawa nya iyon.

Lubos ang inis ni Zorren sa sarili dahil sa nagawa nya.

Hindi namalayan ni Amira na nasa tapat na pala sila ng bahay niya. Pinagbuksan naman ni Zorren ng pinto ito kaya lumabas na ito sa sasakyan.

Tulala padin ito.

"Take care" ani Zorren dito kaya naman napatingin dito si Amira.

"Salamat" sambit nito.

Tumango naman si Zorren at akma na sanang aalis ng hawakan ni Amira ang braso nito.

"Argh!" ungol nito dahil nahawakan ni Amira ang sugat nito na nakuha nya kanina sa pakikipag laban sa mga lalaki.

"May sugat ka" bigla namang naalarma si Amira dahil dito.

"Don't mind this. Maliit na sugat lang ito" sambit ni Zorren

"Anong don't mind? Kahit may sugat ka padin halika sa loob lilin~"

"Amira stop!!" Napatigil si Amira dahil dito.

"Kaya ko ito. Malayo ito sa bituka okey" dagdag pa ni Zorren. Napayuko nalang si Amira dahil sa pagsigaw nito.

Kahit gusto niyang magsorry dahil sa paninigaw nanaman niya ng wala sa oras parang hindi niya ito kayang sabihin dahil sa bigat pakiramdam.

"Pumasok kana.. Mag lock ka agad ng pinto. At mag ingat ka" ani Zorren at tuluyan ng naglakad papunta sa sasakyan nya at umalis na.

Wala nalang namang nagawa si Amira kundi ang sumunod sa sinabi ni Zorren. Nilock din nito ang pinto gaya ng sinabi sa kanya nito.

-

Mikay's POV

Hindi sya nagbago..

Nag bago sya..

Hindi sya nagbago..

Nag bago sya..

Di mapakali si Amira kakaisip kung ano ba talagang nangyare kay Zorren.

Sa isip nito nagbago si Zorren gaya ng nakikita nya pero sa puso nya malapit padin dito si Zorren at alam nitong hindi ito nagbago.

Napa buntong hininga nalang si Amira dahil dito.

Ayokong makita ang Zorren na sinasabi nila. Ayokong makita yung Zorren noong bagong dating ko sa Glayndon.

Ayoko..

Sa sobrang pag iisip di kona namalayan na naka tulog na pala ako.
*

Zorren's POV

"ARGHH!! Dahan dahan naman!!" singhal ko kay hyung.

"Wag kang magalit. Mag tiis ka. Yan kase nakikipag away masusugatan din lang pala" bulyaw naman nito.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon