~*~
Zorren's POV
"So you're the son of Denver" sabi ni Mr. Lee. Ang taong kalaban ng pamilya namin.
Ganito pala itsura nya ah. Mataba.
Naglalakad ito paikot ikot habang dada ng dada.
Tinitignan ko lang ito ng matalim.. Napatingin ito sa akin at tila ba nagulat ng makita ang mata ko
"R-red" para bang nagtataka syang nakatingin sa mata ko.
Ngumisi ako. "Red.."
Naramdaman ko ang mas pag init ng mata ko dahilan para mas pumula ito. Buti nalang at ganito akong pinanganak. Di ko din alam kung bakit ba talaga ganito ang mata ko, pag minsan medyo red sya pero mas madalas itong brown.
Kaya pag nagagalit ako noon kila hyung di nalang sila kumikibo.
Hindi ko alam kung gaano kapula para mabigla sila ng ganyan pero okey din. Nakakatawa lang mga reaksyon nila.
"Hunter!!!" Sigaw nito kay Hunter. Kahit na nahihirapan itong gumalaw pilit padin syang tumayo dahil sa takot.
"Joven." Napatingin ito sa akin pagkatayo nya. "Siya ba yun?" Tanong ko ng di nakatingin dito samantalang diretso lang ang tingin ko lalaking nasa harapan ko.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil sa mga kilos palang ni Joven kanina halatang natatakot sya sa lalaking to' at isa pa tinawag nya itong Abouji kanina kaya ibig sabihin sya yung nambubugbog kay Joven noon.
"Oh!! Concern ka pa pala sa kanya 'no!" pakunwaring gulat na sabi nito. Antanga lang.. Mukha syang bakla .. ”Wag kang umastang parang tunay ka paring kaibigan Zorren."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Paano nya nalaman?
Ano pa nga ba Zorren. Edi sinabi lang naman.
Hindi sumagot sa tanong ko si Joven kundi ay nanatili lang itong nakatayo habang nanginginig ang katawan dahil sa mga pasa nya pati narin sa takot sa lalaking tinatawag nyang ama.
"Lumapit ka sa akin" ani Mr. Lee kaya naman kahit nahihirapan ay pinilit ni Joven maglakad palapit sa kanya pero bago pa ito makahakbang pa agad ko na itong pinigilan.
So sya ang nakakapag pasunod kay Joven. Kaya na ito naging ganito dahil sa kagagawan nya?
"Stop. Wag kang lalapit" sambit ko at tinignan ito. Lumingon lang sya sa akin pero nagpatuloy sya sa paglalakad.
"I said stop" napa tigil ito at tinignan ako ng nagtataka. Malamang nag tataka sya sa ginagawa ko ngayon gayung sobrang galit padin ang nakikita sa akin.
Tinignan ako ng masama ni Mr. Lee. Sa sama ng tingin nya parang mas natuawa ako dahil sa itsura nya. Namula pa lalo ang mata ko. Namula ang tenga nya at para bang natakot sya pero pinilit nitong itago ito..
Agad kong hinarangan si Joven para di ito makalapit sa kanya. Kahit naman galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya hindi ko hahayaang mabilog nanaman ang ulo nya gawa ng lalaking to.
Tinignan ako ng masama ni Mr. Lee. ”Bakit ba kahit kelan napaka pakielamero mo ha?!" Tila ba naghahamon na sabi nito.
Nginisian ko sya at nagkibit balikat ”Wala e. Nasanay nako" mapang asar na sabi ko..
"Tignan natin kung magawa mo pang mangialam ngayon!"
Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa tono ng pananalita nito..
"ZORREN!!!"
Nanlaki ang mata ko ng makita si mama at si Micka na tinututukan nila ng baril at si Amira. Hawak sya ng dalawang tauhan nito na iba ang tingin sa kanya. At kanina pa ang ganda ngiti nila.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Fiksi RemajaMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..