~*~
Zorren's POV
"Hyung alam mo na ba?" Bungad sa akin ni Jeon. Hinarap ko ito ng may kunot ang noo.
"Ang ano?" Tanong ko dito.
Pumasok silang dalawa ni Mickyla at hinarap ako.
"Kuya.. si Ate Zaira. Dito sya mag aaral" ani Mikay. Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong? Bakit dito sya mag aaral?. Hindi ko maiwasang mag tiim bagang dahil doon. Anong karapatan niyang pumasok dito? Ano nanamang pinaplano niya.
"What?!" Hindi ko maiwasang mainis at kumulo ang dugo ko sa sinabi nila. Inis akong lumabas ng Private room at galit na pumunta sa office ni dad.
Agad akong pumasok sa office ni dad ng walang kahit anong katok.
"Dad" bungad ko sa kanya dahilan para mapatigil sya sa ginagawa nya.
"What do you want son." Mahinahong tanong nya. Agad akong nagpunta sa harap nya.
"Dad is that true? Na pinayagan mong makapasok dito si Zaira" inis na sambit ko at hinampas ang table nya.
"Yeah!" Anito na tila ba wala lang sa kanya ang lahat.
"But why?!!" Inis na sigaw ko. "Why did you let her enter. Dad alam mong ex girlfriend ko sya at alam mo ang ginawa nya sakin at sa pamilya natin?!" bastos na kung bastos. Wala akong pakielam. Ayokong makapasok nanaman siya sa buhay ko. Mas lalo na dito sa school na ito.
"I know but--" di ko pinatapos si dad dahil sa galit ko.
"But what? She is traitor. Dad alam mo ang rason kung bakit ako galit sa kanya. Pati ang DWG bumagsak dahil sa traydor na kagaya nya" sigaw ko. Alam kong naririndi na siya sa sigaw ko. Pero wala akong pakielam.
"Zorren--"
"Dad. Don't let her--"
"ZORREN STOP!!!" Napatigil ako sa sigaw ni dad, sa ngayon alam kong galit na sya. Gusto kong sumagot pero walang nais na lumabas sa mga bibig ko.
"Did you see yourself? Bumabastos kana!! Gusto mong malaman kung bakit ako pumayag na makapasok dito ang isang gaya nya!!"
"Why?" Huminga ako ng malalim at mahinanong tiningnan siya.
Diretso lang ang tingin ko kay dad, di ako gaanong makapag salita. Oo aaminin ko na pag nagiging ganyan si Dad para akong isang matapang na lion na biglang namamaluktot at nagmamakaawang wag patayin.
"Dahil sa pinagbantaan nya akong kukunin at aagawin nya itong school. Ito nalang ang natitira Zorren! Lahat ng atin nadumihan ng dahil sayo.. Kaya hindi na ako papayag na bumagsak pati ito." Sagot ni papa dahilan para mapatahimik ako. Tama si dad ito nalang ang natitira, wala ng natira dahil sa akin.
"I'm sorry dad" napayuko nalang at agad na umalis ng opisina ni dad. Mabilis akong tumakbo paalis hanggang sa makarating ako sa garden.
"AAAAARGHH!!!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas. Ansakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Hindi lang ako niloko ni Zaira dahil sa lihim nilang relasyon ni Joven.
Trinaydor nya din ako. Hindi nya ako minahal. Dahil sa kabila ng pinapakita nyang pagmamahal, lahat ng iyon ay walang katotohanan.Dahil ang totoo sinagot nya ako para malaman ang lahat ng ginagawa ng kompanya namin. Sa madaling salita ginamit niya lang ako. Siya ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang kompanya namin, siya ang nagbibigay ng mga impormasyon sa tatay nya para makagawa ng dahilan para bumagsak ang kompanya namin.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..