~*~
After 3 years
Tatlong taon na ang nakakalipas mula nung araw ng labanan na yun na akala ko ay di na matatapos.
Hanggang ngayon napaka sariwa padin ng sugat sa puso ko dahil sa aksidenteng yun. Naka salampak ako ngayon sa damuhan habang nakatingin sa puntod nya. Umiiyak at nagdurusa dahil sa pagkawala nya.
Ang sakit sakit dahil hindi ko man lang sya nailigtas.. Hindi ko man lang sya naprotektahan bilang anak..
Si mama. Ang nag iisang babaeng nag alaga sakin mula nung bata ako. Siya ang tumayo bilang ina sa akin kahit hindi naman sya ang nagluwal sa akin. Kaya nung nalaman kong hindi nya ako tunay na anak, sobrang lungkot at sakit ang naramdaman ko..
Kaya kahit ngayon sobrang sariwa padin ng pagkamatay nya dahil ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagtatampo ko dahil sa mga itinago nya.. Hindi ko padin mapatawad ang sarili ko na ako ang naka patay sa kanya. Ako ang bumaril dahilan ng pagkamatay ng nanay ko. Kaya napakasakit sa damdamin ko na hindi ko man lang sya naligtas sa sarili kong bitag..
Bakit ganun..
May humawak sa likod ko at hinaplos nya ito. “Tita, Ma, sorry po ha. Masyadong madrama itong kapatid ko. Paano nawalay sakin ng napakadaming taon. Dapat pag umiiyak to binabatukan e para magtino.”
“Hayop ka talaga kuya!! Bwisit ka!!" Ako mismo ang bumatok sa kanya.
"Aray ko naman!" Kamot ulong maktol nito.
Si Jes, kuya na ang naging tawag ko sa kanya dahil magkapatid kami at mas matanda sya sa 'kin ng isang taon lang naman. Hindi nag bago ang pagturing nya sakin kundi ay mas naging maganda pa, dahil kung noon parang kaibigan lang pero ngayon kapatid na talaga. Sobra na syang makabawal na akin ng mga bagay. Nung minsan akong nagpunta sa headquarters nila ng gang nya, halos ayaw nya akong pahawakin ng mga armas nila at yun ang nakaka inis. Sabi kase ni mommy tuturuan nya din daw akong maging isang magaling na gangster pero hindi ako lalaban dahil pang self-defense ko lang daw?... Anong klase yun di 'ba?.. Tuturan ako tapos di naman pala lalaban. Nung nalaman kong tuturuan ako na-excite ako nun. Sobra pero dahil sa epal kong kuya na ayaw akong palabanin. Wala na naging pang self-defense nalang talaga. Parang walang thrill.
"Ang yabang yabang mo talaga! Hindi ka kase katulad ni mama. Batok batok ka dyan" inarapan ko sya. “Gusto mo isa pa?” at inambahan ko sya.
Hinarang nya naman ang mga palad nya. “Hindi na!! Ang sama mo na sakin ha!!"
“Mas masama ka! Nag d-drama ako dito panira ka masyado. Nakaka inis!" Inirapan ko sya at humarap ulit sa puntod ni mama.
"Ma! Multuhin nyo nga para magti~ Aray!" Bunatukan ko ulit sya. "Ano nanaman?!"
"Titigil ka o titigil ka?"
"Oo na! Ito naman!" Sabi nito habang nagkakamot ng batok.
Humarap ako ulit sa puntod ni mama. “Pano ma una na kami ha! Ingat ka dyan ha tapos paki sabi kay papa god na wag kang hahayaan dyan. Okey.. Aalis na kami ni kuya dahil bubugbugin ko pa to sa bahay mamaya! Sige po!" Tumayo ako at tinignan si kuya Jes.
Ngumiti ako. “Let's go!” sabi ko at naglakad na.
“Mama, tulungan mo 'ko please. Ayoko pa mamatay.. Pigilan mo naman tung anak mo please po..." Napatawa ako ng mahina sa mga pinag sasasabi ni kuya sa puntod ni mama.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..