~*~
Mikay's POV
"Good Morning class"
"Good morning Ms. Fernandez"
"Class. I have an announcement"
Tahimik ang buong klase babang naghihintay sa announcement ni Ms. Fernandez.
"Alam ko na yan e" nilingon ko naman si Zorren na nasa tabi ko. Alam nyo nakaka panibago kase sanay ako ng isang buwan mahigit na andito si Jes.
Sinabi na sakin ni Julie ang totoong dahilan kung bakit biglaan ang alis ni Jes ng bansa. Noon kase wala pa ako sa mood makinig. Nag tataka lang ako kase kadalasan pag umaalis sya ng bansa kasama nya si Tita Daniela pero ngayon hindi..
"Pano mo naman nalaman? Di pa naman nasasabi e" Mataray na tanong ko dito. Halos pabulong lang sang usapan namin dahil baka marinig kami.
"Always updated kaya ako" anito. Napa tango nalang naman ako. Sabagay anak sya ng may ari nitong school. Di na ako mag tataka.
*
"My godd. Ngayon nalang uli nangyare tong ganito guys. Yung magkasama sama tayong hanggang lunch" ani Julie.
She's right. Ngayon nalang ulit. After ng lahat ng nangyare buti balik sa dati.
"At tsaka. Oy kayo. Subukan nyo pang mag away ng ganun naku talagang hahayaan na namin kayo dyan" dagdag pa nito at inirapan kaming pareho ni Zorren.
"Psh. Diko problema yun. Tanungin mo dito" tinuro ko naman si Zorren na nasa tabi ko. Totoo naman diba. That's not my fault why I treat him in that way. Na para lang syang hangin noong mga naka raang araw. Kasalanan ba kaseng magalit ka kapag nasasaktan kana.
"Hindi ko naman kase alam e" maktol nito. Hindi alam? Ang sabihin nya talagang bakla lang sya sa mga ganyang galawan.
"Hay nako. Tama nayan guys. Let's just talk about Christmas party" sambit naman ni Kyler. Oonga pala bago ko pa makalimutan. Si Kuya Drake pala naka alis na ng bansa.
Kahapon lang sila nagflight para dun nga sa sinasabi niyang contest na sasalihan nya. Kaya ayun wala sya dito at kulang ang grupo. Sayang nga e. Di pa nila pinatapos sana ang Christmas party para naman sana makasali sya pero hindi e. Kailangan daw.
"Yeah. About dun sa by partner? Mukhang masaya nga e" sagot ko naman dito.
"Anong masaya doon?" Muryot na sagot naman ni Zorren. Psshh. Di lang kase ako kapartner niya e. Si Jeon ang kapartner ko. Buti nga si Alex ang ka partner nya kesa si Zaira.
"Di mo lang kase kapartner si Amira e" pang aasar dito ni Jeon. Nagtawanan naman sila dahil sa ekspresyon nito.
Interesting nga yun e. Kase by partners yun tapos bawat games kayo yung magpartner tapos kayo din ang magkasama ng buong araw pero pag yung sayawan sa gabi nasa sayo na kung sino gusto mong kadate pag ganun. At ayun nga wag na kayong magtaka si Zorren na ang naunang nag alok sakin na ako daw date nya. Kaya yun wala akong nagawa. Kahit naman daw kase umayaw ako. Ako padin partner nya.
Matapos kaming mag lunch time at mag tawanan, nag ring na din ang bell kaya naman nag si balikan na kami sa mga respected rooms namin.
Siguro mga dalawang subjects lang ang natapos namin this afternoon kase yung natitirang dalawa pa. Vacant na. Kase wala yung mga teacher namin dun e kasama sila dun sa pinuntahan ni kuya Drake. Ewan ko nga kase kung anu yun.
Lumabas nalang muna ako ng room para magpunta sa cafeteria. Nagugutom kase ako kaya wala tayong magagawa. Ikain nalang yan.
Bumili ako at naupo sa isa sa mga vacant seat doon. Nagulat ako ng biglang may naupo sa harapan ko. Mas lalo ko pa iyong kinagulat nang nakita kung sino yung naka upo sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..