Chapter 21

8.9K 251 16
                                    

~*~

Julie's POV

My name is Julie Rhen Dizon. Amira's cousin. Mula pag kabata si Amira lang yung pinsan kong close ko. Pero nung 7 years old ako naghiwalay na kami kase nag punta kami ng America at dun na kami tumira. Tuwing Christmas lang kami babalik ng pinas para dito magpasko. Minsan dito din kami nagbabakasyon. Kaya kahit di kami palaging magkasama ni Ami close padin kami kahit papano. And after half a year bumalik uli ako ngayon dito sa Pilipinas.

Okey balik na tayo sa monologue.

Nag paalam muna ako kila Mickyla o Mikay daw. Pareho pala sila ng nickname ni Ami.

Nagpunta ako sa CR para mag ayos lang saglit. At para lumayo din sa hinayupak na lalaking yon. Sino ba yon? Blaire daw ba?. Oo sya nga.

Hindi ko trip ang makasama sya matapos ng ginawa nya..

After kong mag ayos lumabas na ako ng CR para bumalik kung saan ko sila iniwan kanina.

"A-asan na sila.?"

Bakit wala na sila dito? Saan sila nagpunta? Bakit sila umalis dito? Hala naman. Di ko pa naman kabisado tong EK. Paano ko na sila mahahanap ngayon kung napaka daming tao naman ang nandito.

Wala naman akong number ni Ami at lalong si Mikay wala din. Paano nato?
Di na ako mapakali dito, puputok na ang ugat sa ulo dahil sa pag iisip kung asan sila hahanapin.

Hala kase...

"Uhmn. Miss okey kalang? Mag isa kalang ba? Samahan kana namin?" Nangilabot ako bigla ng may tatlong lalaki na kumausap sa akin.

Biglang akong kinabahan dahil sa mga itsura nila, parang mga adik.

"A-ah hindi na" sagot ko, maglalakad na sana ako palayo ng hawakan bigla ng isa sa kanila ang kamay ko.

"Teka lang san ka pupunta?" Tanong nya. In melodious voice pa. Yuck sya.

"A-aalis na a-ako" sagot ko. Bigla nalang akong kinabahan dahil ayaw nila akong paalisin.

"Hindi pupwede" sagot nya.

Punyetang to. Hard to get sabing aalis nako e. Nakaka inis naman kase sila, bakit pa ako iniwan, nag paalam naman ako.

"Aalis nanga ako diba!!!" Kahit na tatakot ako nilakasan ko ang loob kong sigawan sila. Pilit kong inaalis ang pag kakahawak nya sa kamay ko pero napaka higpit nito..

Urgh. Nakaka inis talaga...

"Dito kalang kase" ngising sabi nya at nagtawanan sila ng mga kasama nya.

"Ano ba! Ayoko nga!! Bitawan mo ako?" Nagsisitawanan lang sila habang ako takot na takot na dito. "Bitawan mo nga ako!!"

"Pare bitawan mo sya!" Napa lingon ako sa lalaking nagsalita at sya ding dahilan ng mabilis na pag pintig ng puso ko.

Ngayon, nagbago bigla ang paki ramdam ko ng biglang dumating si Blaire.. Ang takot na pumalibot at yumakap sa kaluluwa ko parang bulang biglang nawala
.

"Wag kang mangielam dito pare" sambit nung lalaki dahilan para matawa si Blaire.

Napangiti ito at tumingin sa ibang direksyon. Humakbang ito papalapit at tumingin muli sa mga lalaki.

"Paanong di ako makikielam e girlfriend ko yang ginagago mo!?" Maangas na sabi ni Blaire na ikinagulat ko..

Ewan ko pero parang puno ng paro paro ang tyan ko kaya bigla nalang nag init ang pisngi ko? Bakit ganon ang pakiramdam ko. I don't know what I feel in what he said.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon