Chapter 62

6.1K 182 12
                                    


~*~

Mikay's POV

Napaupo nalang ako sa gilid habang kumakain ng ice cream. Sila nandun sa loob nagpapakasaya.

Andito kami ngayon sa MOA. Kanina ko pa gustong umuwi kase nakaka inis. Kahapon pa yung babaeng yun ah. Nanadya ba sya?.

Ewan. Parang wala naman syang ginagawa sa tingin ko pero kase lapit ng lapit ng Zorren. Buong buhay ko ngayon lang nainis sa ganun kagandang babae. Kase noon pag may nakikita akong ganun kaganda gusto ko makipag kaibigan pero ayaw naman nila pero ngayon. Psh ewan. Di lang siguro ako kumportable sa babaeng yun. Hmnff.

Tsaka kababata pala nila yung pabebeng Dianne nayun. Kaya ganun nalang sila kasayang makita yun. Kaya eto nga ako oh. Hindi man lang nila napansing lumayas ako dahil sa aliw na aliw sila dun sa babaeng yun.

Insecure kalang kase Amira...

Insecure? Pshh wow naman. Bakit ako maiinsecure dun.? Sa ganda kong to. Tsaka sa kapabebehan nya maiinsecure ako psh. Alam ko naman maganda sya at ako panget. Makinis sya at ako~... Magaspang? T-teka di naman ah.

Pero nakaka punyeta talaga..

“Zorren” agad akong nataranta ng marinig ang pangalan na iyon kaya nagtago ako agad sa gilid para tignan kung sino yun.

Nakita ko si pabebeng palaka tapos si unggoy na kumag. Mas naunang naglalakad si kumag at naka sunod sa kanya yung palaka.

“Zorren naman!”

"Ilang beses kobang sasabihin sa iyo Dianne. Kahit anong mangyare mahal kita bilang~" 

"Na ano? Bilang kapatid lang? Ganon." Sabi naman ni pabebe. Epal eh anong gusto nya mahal sya ni Zorren bilang babae at di bilang kapatid?.

Excuse me!. Inaagaw mo yata ang posisyon ko ha.

“Zorren. I love you. More than friends tapos ikaw mahal mo ako bilang kapatid lang.” pag eemote sa kanya ni Dianne.

Grabe! Ang hirap naman ng puwesto ko dito na nakatago. Diko malaman kung uupo ba ako o tatayo. Pag naka upo naman diko sila makita pero pag nakatayo ako, nakikita ko nga nag aalangan naman ako baka makita din nila ako.

"Dianne"

"Pero akala ko ba mahal mo ako? Yung totoo. At di bilang kapatid” Tinitignan ko lang sila habang nag sisigawan. Buti at walang masyadong tao dito kaya di sila pansin.

"Yeah! Pero Dianne noon yun. Nung mga bata pa tayo. P-pero sige inaamin ko hanggang ngayon meron p-pero..." Napatakip ako bigla sa bibig ko at napa talikod sa kanila. Sumandal ako sa pader kung saan ako naka tago at tinignan ulit sila

Muli ko silang sinilip at nagulat ako ng makita ko silang naghahalikan. Pinulupot ni Dianne ang mga braso nya sa leeg ni Zorren kaya napasandal ulit ako sa pinagtataguan ko at bigla nalang nangilid ang luha ko. Bakit ganito? Bakit masakit?  Bumagsak ang mga luha ko kaya agad kong pinunasan ito.

Oo talaga inaamin ko meron akong gusto kay Zorren pero yung ganito? Bakit

Tinignan ko sila at buti nalang nag uusap nalang sila ngayon kaya siguro pag umalis ako dito di nila ako mapapansin dahil medyo malayo naman sila sakin.

Gusto ko nang umuwi. Bigla ko nalang naramdaman na biglang bumigat ang dibdib ko at likod ko na parang may naka patong sa mga balikat ko na kung ano at ang gusto ko ay umiyak lang.

Kaya agad akong naglakad paalis para pumara ng taxi. Mas binilisan ko ang paglakad ko para di nila ako mapansin pero bigla nalang may tumawag sakin.

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon