~*~
Mikay's POV
Di parin nawawala sa isip ko ang mga nangyare nung isang araw. Napaka sama pala talagang tao nyang si Hunter e. Kala mo kung sinong santo pero demonyo naman pala. Akalain mo may pinatay na tatlong estudyante. Buti nalang at walang gaanong nadamay lalo na yung batang muntikan niyang barilin.
Pagtapos ng gulong yun naging maayos naman na ang lahat. ...Pero... Ang diko maintindihan. Punyetang demonyitong Jes yan na kala mo'y santo din pero demonyo din pala kagaya ni Hunter. Ni hindi man lang ako kausapin about sa mga tinatanong ko. Nung una si Jes ang tinawagan ko e ang kaso tinatawanan nya lang ako at dinedeny nya. Pero sa bagay baka wala nga kase di ko naman nakita yung nakipag laban e. Diko din nakitang nagkasugat sa braso at hita sa mukha sa kung saan man yan. Basta ang nakikita ko lang na sugat nya ay yung gasgas kapag nadadapa sya. Yun lang pero nakaka bwisit.
Pakiramdam ko tuloy parang andaming lihim sa akin ni Jes.
"Babe, iniisip mo parin ba yun?" Hindi ko pinansin si Zorren at dimiretso lang ng upo.
Kanina pa tong mokong na'to e. Nasobrahan na sa pagpapa cute di naman cute.
"Babe"
"Tigilan mo nga ako Zorren!" Natahimik ito bigla ng sumigaw ako.
Gusto ko lang matawa sa reaksyon nya pero naiinis padin ako.
"Bakit nanaman?" Maktol nya ay hinampas ang unan na naka patong sa hita nya habang naka indian sit sya dito sa sofa sa kwarto.
Di ko ito pinansin. Tumayo ako at lumabas sa kwarto, dumiretso ako sa kusina nila. Kami lang ang nandito sa bahay nila. Si tito at tita kase nagpunta sa Tagaytay dahil may imi-meet daw na client nila sa business nila. Si Mikay naman may project sila na ginagawa ni Timy yung classmate nya at si kuya Blaire sinamahan sya kase nga alam nyo na baka aaligid aligid nanaman si Hunter na di naman marunong mag hunt ng tupa.. Nakaka inis yung pangalan nya...
Kala mo kung sinong magaling"Babe" di ko padin pinapansin si Zorren at tuloy na nagpunta sa kusina.
Di ba sya nandidiri sa kakababe nyang yan?."Amira naman e"
"Ano.!" Hinarap ko ito kaya naman natigilan sya.
"Bakit ba ayaw mong tinatawag kitang babe?"
"Ayoko"
"Bakit?"
"Ayoko"
Bakit ba ang kulit ng Zorren nyo?
"Bakit nga!"
"Nakaka diri kase!" Sumimangot ito at umupo sa upuan.
"Anong nakaka diri dun? Ang cute kaya" tinignan ko ito at sumalubong sakin ang isang mas nakaka diri pang ngiti.
"Hindi yun cute"
"Cute"
"Hindi nga!"
"Bakit ba ang sungit mo ngayon ha?"
"Wala kang pake!"
"Teka" napa tingin ako dito. "Siguro may~"
Pinulot ko yung sandok at akmang ihahampas sa kanya. "Sige!"
"W-wala. Wala nga. Sabi ko nga wala ikaw naman" inirapan ko lang naman ito.
"Ibang klase talaga ang kasungitan ng isang Amira napapatiklop nya ang leader ng pinakamalakas na gang sa buong mundo" napa tingin naman ako kay Kuya Drake na kapapasok ng kusina. "Bakit ba kase hindi mo na lang hayaan na tawagin ka ng babe.. Wala namang masama diba"
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..