~*~
Mikay's POV
Nang nakarating kami sa hospital agad kaming nagtanong kung nasaan ang room ni mama. Nadatnan ko naman si tita na nasa loob at kausap niya yung doctor.
"Mama!" Agad kong nilapitan si mama na nakahiga at natutulog. Hindi ko pa din maalis ang kaba ko dahil sa nangyare.
"Sige po mauna na po muna ako" paalam ng doctor at lumabas na.
"Anak" lumapit sa akin si tita na agad hinimas ang pikod ko. Agad nya naman akong niyakap at ganon din ako habang nakatingin ako kay mama na naka higa, patuloy ang pagluha ko. Humiwalay si tita at hinarap ako.
"T-tita a-anong nangyare kay mama?" Tanong ko kay tita habang umiiyak.
"Palagi niyang iniinda ang madalas na pag sakit ng dibdib niya, nahihirapan din syang huminga tapos kanina habang nasa trabaho kami bigla nalang syang napahawak sa dibdib nya, kaya naalarma kami ng mga kasamahan namin sa trabaho at agad syang tinulungan. Tinanong namin kung anong nangyare pero agad nalang syang natumba at nahimatay kaya dinala namin siya dito" paliwanag ni tita. Hinawakan nya ang kamay ko at hinimas ito
"Anak, kailangan nyang operahan para sa coronary artery bypass grafting kailangang maiba ang daluyan ng dugo patungo sa puso ng mama mo" nanlumo ako sa sinabi ni tita. Mas lalong bumagsak ang luha ko sa narinig ko. Hindi pwede to. Paano namin siya papa operahan kung gipit kami? Ayoko naman siyang mawala nalang..
Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang pag iyak. Lumapit ako kay mama na naka higa sa higaan lumuhod ako sa tabi nya
"M-mama" hinawakan ko ang kamay nito at hinimas "wag kang s-susuko, please. Ipapagamot kita ha" patuloy ang agos ng luha ko. Naramdaman ko namang hinaplos ni tita ang likuran ko.
Mama wag kang susuko. Mahal kita. Wag mokong iiwan. Ayokong mawala kapa. Wag po ma.
Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala pa si mama. Ayokong mahirapan ng sobra. Pero paano ko sya ipapagamot? Wala akong pera at mas lalong wala akong mahihiraman dahil maging si tita ay gipit din. Paano to?.
*Kyler's POV
Nakita ko ang sobrang pag aalala ni Amira sa mama nya. Nakakalungkot din dahil sa sakit nito. Pero sana gumaling ang mama nya. Sana.
Napansin kong mukhang naawa din si V kay Amira. Minsan lang ito maging ganito lalo na kapag nakakakita ng mga taong nahihirapan.
*Mickyla's POV
Medyo nahimasmasan naman na ngayon si Mikay. Tulala lang sya at nandito sa tabi ko. Naaawa ako sa kanya, sa mama nya sa kanilang pamilya.
Dalawa nalang pala sila sa buhay. Dahil namatay daw ang tatay nya sa isang car accident.
Nakaka awa naman.
"Uhmn. Mikay? Okey kana ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at ngumiti ng pilit.
Pasado alas otso na kaya kailangan na namin umuwi, baka mapagalitan pa kami.
"Uhmn bhe" kinalabit ko si Mikay na nakaupo at tahimik lang. Tumingin naman ito sa alin. "Uuwi na sana kami. Baka kase mapagalitan kami nila mommy e" paalam ko kay mikay
Tumango siya at ngumiti "Salamat Micka"
Ngumiti ako dito at tumango.
"Tita, uwi na po kami" paalam ko naman sa tita nya. Nilingon kami nito at tinigil ang pag aayos ng gamit ng mama ni Mikay.
"Oh cge iha, mga iho. Ingat kayo ha, ingat sa pagmamaneho. Salamat sa inyo." Anito at ngumiti.
Isa isa na kaming nag paalam at lumabas na ng kwarto. Umuwi kami agad dahil baka hinahanap na kami.
*
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..