~*~
Mikay's POV
"Jul? Anong kaganapan dito?" Tanong ko kay Julie nang makita sya sa gilid ng auditorium na pasilip silip.
Napapansin ko lang kase mula pa kaninang dumating ako dito tila lahat na ng mga estudyante at mga teachers ay busy dito. Madami sa kanila ang nag aasikaso sa stage.
"Ewan nga e." Kibit balikat na sagot naman nito sa akin. "Teka asan pala si Jes?" Tanong nito.
"Hindi ko alam. Baka di pa iyun dumadating" sagot ko naman dito napatango nalang naman ito.
"Eh si Mikay? Bat dimo kasama?" Tanong ko dito.
"Ayun nga din e. Pag dating ko sa room kanina wala sya pero nung nagpunta ako sa locker ko may nakita akong sulat nya" anito at binuklat ang book na dala nya at andun yung sinasabi nyang sulat ni Mikay na nakasulat sa sticky note.
"Ahh. Eh bakit naman kailangan ng ganito?" Tanong ko dito.
"Ewan. Basta ang alam ko lang bibisita daw yung may ari netong school na galing pa sa Korea at tsaka diba mga parents naman ni Mikay ang may ari nitong school baka kasama sya mamaya na dadating" ani Julie.
Ahh okey. Kaya pala may kaganapang ganito ngayon dito.
"Teka. Di mo alam" takang tanong nito. umiling naman ako dito.
"Nagbukas kana ba ng locker mo" tanong pa nito at muli umiling lang ako.
"Kaya pala e. Oh sya wag kanang magbukas nasabi ko naman sa sayo e." Aniya kaya naman tumingin nalang kami sa mga estudyante at mga faculty staff na busy sa stage.
"Teka nakita mo ba sila kuya Drake?" Tanong ko dito kaya naman napatongin ito sa akin.
"Hindi, bakit?" Tanong nito.
"Eh kase ibibigay ko lang sana itong book na sinasabi nya. Kase nga diba luluwas sya sa America" sambit ko.
Hiniram kase sakin ni Kuya Drake itong book na ito kase kailangan nya para makapag review. Eh dakilang matalino yung tao kaya ayun sya ang pambato ng school para sa gaganaping contest sa America. Hindi ko na inalam pa kung ano ba talagang kailangang gawin doon at anong tawag dun sa contest na sasalihan nya. Di naman ako chismosa.
"Ahh. Hindi kase e. Baka andyan lang yun. Magkikita din kayo nun mamaya" sagot naman ni Julie ng di naka tingin sa akin.
Baka nga andyan lang yun. Hmn. Ibibigay ko na lang sa kanya ito pag nagkita kami.
*Mickyla's POV
Nang natapos kong ayusin ang sarili ko nag suot na ako ng outfit ko para sa event mamaya sa school.
Nag black fitted dress lang ako na hanggang ibabaw ng tuhod ko at pinatong ko yung hoodie ko .
Oo nga pala. Buti nalang at mas maagang naka uwi sila kuya kahapon kesa kila mom. Kung tutuosin halos isang oras nga lang yata mahigit ang pagitan nila. Buti nalang at di sila naabutan nila mom and dad dahil panigurado magtatanong yung mga yun.
Matapos kong mag ayos pumunta ako sa kwarto ni kuya V, parehong anditi ang dalawa kong kuya. Ang cool.. Pare pareho kaming naka hoodie ng suot.
"Kuya. musta yung inayos nyo?" tanong ko sa kanila. Tumingin lang naman sila sa akin pareho.
"Ayos na Micka." sagot ni kuya Jimin. Buti nalang. Akala ko talaga di na nila maaayos.
"Oh pano? Tara na?" Pag aaya nito kaya naman lumabas na kami.
Nakita naman namin sila mom and dad na nasa baba nadin kaya bumaba na kami.
*Mikay's POV
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..