~*~
Mikay's POV
Halos naka lipas na ang isang linggo na dito ako sa bahay nila Zorren tumutuloy. Nakaka hiya na nga e kase palagi nalang akong nandito. Ayaw din naman nila akong pauwiin. Alam naman ni mama na narito ako, nandun pa din ito sa trabaho niya. Sinabihan ko din ito na huwag munang uuwi dahil nga sa problema nila Zorren. Ayokong madamay pa si mama. Nadamay na nga lang ako, pati ba naman siya.
“Iha okey naba ang mga gamit mo?" Tanong sa akin ng mama ni Zorren.
Ngumiti ako “Opo okey na." Sagot ko.
"Oh eto sandwich. Baon nyo ni Micka" kinuha ko naman ito sa kanya.
“Uhmn. Tita.."
Napatingin ito sa akin “Bakit iha?"
"Salamat po ha."
"Para saan? Dyan sa sandwich? Naku wala yun~" pinutol ko agad ang sasabihin nito.
"Hindi po iyun. Ano kase. N-nakaka hiya napo kase e" sambit ko at napayuko.
"Nakaka hiya? Ang alin?" Tanong nito.
Inangat ko ang tingin ko at tinignan sya. “K-kase pinapatuloy nyo padin po ako dito. Kahit nagiging pabigat na ako" hinawakan ako nito sa braso kaya naman mas napa angat ang tingin ko sa kanya.
"Naku iha. Hayaan mo yun wala yun. Kaibigan ka ni Micka kaya always welcome ka dito tsaka magiging future daughter in law naman na kita e" nanlaki ang mata ko at biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko kaya naman ramdam ko ang pag init ng mukha ko.
Napa hagikhik naman ng tawa si tita.
“Namumula ka!!" Sabay turo nito sa mukha ko. Napa yuko nalang naman ako habang nagpipigil ng pagtawa. Nakaka inis naman e. Bakit ako namumula? At sa harap pa ng mama ni Zorren.Naging close kami ng mama ni Zorren dahil sa isang linggo kong pagtuloy dito pero yung papa nya di gaano. Parang ayaw nga ako ng daddy nya kase wala akong yaman na maibibigay di gaya ni Dianne. At baka nahuhuli kayo sa balita. Pinakilala ako ni Zorren sa mom and dad nya as a girlfriend na talaga kahit diko pa naman sya sinasagot pero okey nadin yun. Dun din ang tungo nun.
“Oh sya. Pano lumakad na kayo at baka malate na kayo. Tsaka baka mamaya mag mukha kanang kamatis nyan sa pula ng mukha mo iha" napapikit ako dahil sa kahihiyan sa mommy nila Zorren.
Anak ng tinapakang palaka naman oh. Lecheng pagmumukha to bakit ba namumula ang mukha ko sa mga sinasabi ni Tita?.
"S-sige po" tumalikod na ako at naglakad na palabas sa kitchen at pinuntahan sila sa sala. Sa wakas naka hinga ng maluwag. Nakaka hiya kase talaga.
Lahat sila andito kase dito nadin sila nakikitira alam nyo yun dahil nga dun sa problema nila sa gang nila.
"Uy. Andyan kana pala beb" sinalubong ako ni Mikay ng nakita nya akong lumabas ng kitchen.
"Anong beb? Wag kanga Micka. Ako lang ang beb nyan" hinila ako bigla ni Zorren palapit sa kanya at inakbayan. Abay lokong to ah. Muntikan ko pang mabitawan tung bag na hawak ko dahil sa kanya. Mamaya matapon pa at masira tong gawang sandwich ni tita e. Sayang naman.
"Che! Akin to kahit anong mangyare" hinila naman ako pabalik ni Mikay sa kanya.
“Uy! Ano yan Amira? Pag kain ba yan?" At bago pa mahablot ni Hobi at Kyler ang bag na bitbit ko agad ko ting nilayo sa kanila.
"Ay hindi. Pag kain namin to ni Micka. Sa amin lang" napa simangot naman ang mga ito. Gusto ko silang sipain na dalawa sa mukha sa kaepalan nila. Alam naman nilang mahina ako sa ganyan e. Sa pagpapa cute nayan tapos magpapaka ganyan pa sila.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Ficção AdolescenteMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..