~*~
Mikay's POV
Matapos ang klase namin nagpaalam sila Zorren sa akin na pupunta muna sila PRoom nila. Sila Julie naman mamaya nalang daw sila susunod dito sa cafeteria may tatapusin lang daw silang activity.
Kaya eto ako ngayon naglalakad mag isa papunta sa cafeteria.
Habang naglalakad ako may naririnig pa akong mga nagbubulungan.
"Totoo bang bumalik na talaga dito si Zaira?"
"Oo bumalik na siya, at alam mo ba karoom pa nya si Zorren"
"Talaga ba? Edi kahit yung nerd na girlfriend ni Zorren ka room nya?"
"Yeah"
Bulungan nila. Talaga lang ha. Bulong nga ba talaga? Psh. Rinig ko mga teh..
Nang makarating ako sa cafeteria agad akong pumasok dito.
"Diba sya si Amira? Grabe angganda pala niya"
"Oo sya nga. Ang puti niyaa"
"Naku!! Diba bumalik na si Zaira. Baka mapano sya"
"Oo nga. Sa pag kaka alam ko nga mag kakaroom pa sila"
"Ahh talaga ba? Sana okey lang si Zorren"
"Sana nga. Lalo na si Amira. Mabait si Amira e"
"Tama ka. Iba ang ugali nya sa ugali ni Zaira"
"Tama. Mabait sya"
Kahit pala nag kukunwari lang kami at madaming nagagalit sa aking mga fangirls nya pero meron padin palang mga mababait sa akin.
Umorder nalang muna ako ng strawberry juice at isang strawberry cake din, para naman may lalafangin ako habang naghihintay.
Naupo lang ako sa isang vacant seat, yung pang dalawahan lang. Habang nakain ako bigla nalang may umupo sa harapan ko.
"Hi Amir~ ay princess pala. Uhmn. Ako si Alex. Classmate mo ako" sambit nito at inabot ang kamay para makipag shake hands.
Ngumiti naman ako dito at inabot ang kamay nya at nakipag shake hands.
Maganda si Alex, mahaba yung buhok tapos kulot sa dulo tapos maputi sya.
"Okey lang bang maki upo ako?" Tanong nito na ikinatawa ko naman.
"Oo naman. Sino ba ako para pag pagbawalan ka diba?" Ngising sabi ko dahilan para mapangiti ito.
"Syempre, diba girlfriend ka ni~" diko na sya pinatapos pa dahil alam ko naman na ang sasabihin nya. Na girlfriend ako ni Zorren,. Oo ang alam mo girlfriend nya nga talaga ako pero hindi fake lang kami.
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..