~*~
Mikay's POV
Napatigil ako sa paglalakad nang nakapasok ako sa loob ng campus.
Bakit walang katao tao dito? Inilibot ko ang painingin ko baka naman mag mahagip ako kahit isang tao pero wala. Baka naman nasa classroom na nila sila?.
Napakamot ako sa ulo ko at naglakad papunta sa guard house baka kase andon si Kuya Dan si manong guard.
"Uhmn. Kuya Dan, may pasok po ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman sya. "Kung ganon bakit parang napaka linis netong campus? Wala man lang tao" tanong ko uli. Umiling lang sya at nag kibit balikat.
"Ah, so may pasok po talaga?" Tanong ko uli. Tumango lang sya at ngumiti at tinalikuran ako..
Ano yun? Napipi naba si Kuya Dan at di man lang ako sinagot gamit ang boses nya panay sign nalang. Ang wierd lang kase e. Walang katao tao dito sa campus tapos si Kuya Dan napipi na. Tapos may pasok?
Haist. Naglakad lang ako papasok hanggang sa nakita ko si Mikay.
"Mikay!" Tawag ko sa kanya.
Napa-lingon din naman ito sa akin. "Uy, Mikay" tumakbo sya papalapit sa akin.
"May pasok ba ngayon? Kung wala man bat di ako naupdate?" Tanong nya.
"Ewan ko nga e." Nag kibit balikat naman ako bilang sagot.
"Tara" bigla nya nalang akong hinila. Umakyat kami ng 3rd floor at may isang room kaming pinasok.
"Uy Mikay, bakit tayo andito? Baka mamaya magalit yung principal ha." Tanong ko sa kanya habang nililibot yung tingin sa buong kwarto.
Ano ba namang office to ng teacher 'to, sobra namang panglalaki ang design..
"Ano bang hinahalungkat mo dyan ha?" Tanong ko kay Mikay. Pag pasok palamg namin dito dun agad ang tungo nya sa desk nayun at halungkat nalang ng halungkat sa mga drawer na narito.
"Uy, baka mamaya mahuli tayo Mikay, malayo pa naman ang periodical test ah halika na" nag aalangang sabi ko sa kanya. At tumingin sa labas. Nililibot ko tingin ko baka dumating na yung teacher na may ari netong room.
Baka kase makita kami nung may room dito. Mapa punta pa kami sa faculty.
"Huy, ano bayan?" Tanong ko uli. Eh paano di man lang sumagot. Nakaka loko na e.
"Nakita ko na!" Aniya dahilan para mapalingon ako sa kanya..
"Ano ba yan?" Tanong ko at lumapit sa kanya. Isang bond paper yon na listahan ng mga holidays at mga program and activities ng academy.
"Uhmn. Anong date naba ngayon? September 8" sabi nya at hinahanap kung nakasama ba sa mga may holiday ang date ngayon..
"Wala naman ah, bakit walang katao tao dito?" Dahilan para mapakamot siya sa ulo niya, nakakapag taka nga lang bakit wala ba kaseng estudyante dito?.
"Kaya nga baka--" napalingon kami sa labas dahil biglang may nag play na music.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Ewan ko?" Takang sagot ko kaya lumabas kami ng room na iyon at bumaba para puntahan yung music na yon. Nakarating kami sa covered court kung saan naroon na ang napaka raming estudyante.
"A-anong meron dito?" Takang tanong ko kay Mikay. Pero ngiti lang ang sagot nya na ikinakunot ng noo ko
(Now playing: BTS Spring Day *English version)
BINABASA MO ANG
Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|
Teen FictionMaiisip mo ba na isang Nerd na gaya mo ay masasabak sa isang yugto ng buhay na di mo inaasahan at magiging biktima ng isang Campus Gangster na ayaw na ayaw mo talaga lapitan..