Chapter 75

311 8 0
                                    

~*~

Mikay's POV

Nanginginig ang buong katawan ko, kahit ang mga luha ko ay patuloy din sa pagbagsak.

Pakiramdam ko para akong yelo na ano mang oras ay pwedeng matunaw dito at mawala dahil sa panlglambot ng buong katawan ko.

"Shoot him!!"

Paulit ulit na salitang kanina ko pa naririnig. At mga salitang ayoko ng marinig pa. 'Shoot him!'

Shit. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang barilin si Zorren. Hindi ko kaya..

Kanina ko pa hawak ang baril na 'to at nakatutok kay Zorren. Meron ding hawak si Zorren pero di nya ito itinututok sa akin

Inuutusan nila kaming barilin at patayin ang isa't isa. Inuutusan nila kaming tapusin ang buhay ng isa't isa.

Pero hindi ko kaya e. Buhay ng taong mahal ko na ako mismo ang tatapos? Hindi naman yata pwede yun. Dahil kapag namatay sya mamamatay na din ako. Hindi ko kakayanin ang mahiwalay sa kanya. Hindi ko kaya ng mawala sya.

Paulit ulit akong umiiling at pumipikit para di makita si Zorren. Ayokong makita syang nakatingin sa akin at nagmamakaawang iputok ko ang baril na hawak ko.

Tinitignan nya ako at para bang sinasabi nyang. "Sige na please. Iputok mo na. Ayoko ng mahirapan ka. Ayoko ng makita kang nagkakaganyan kaya please."

Umiiling iling ako kabang umiiyak.

"H-hindi!! Hindi ko gagawin" halos bulong kong sabi kay Zorren.

"Go Amira!! Iligtas mo ang buhay ng mama mo. Dahil kung hindi mamamatay sya!!"

Hindi. Wag kang makikinig sa kanya Amira. Hindi totoo ang sinasabi nya. Hindi.. Dahil maililigtas mo ang mama mo at ang pamilya ni Zorren pati kayo. Lahat kayo ililigtas ni Zorren kaya wag na wag kang makikinig.

"It's your chance to save your mom. Dahil kung hindi mo gagawin yan parepareho kayong mamamatay"

"Hindi!! Hindi hindi!!!"

"Gawin mo na"

Napa mulat ako bigla at para bang kusang gumalaw ang mga kamay ko at tinutok ang baril sa mismong ulo ni Zorren. Pilit kong nilalabanan ito pero parang merong kumokontrol sa akin.

Inilipat ko ang daliri ko upang paputukin ang baril kaya napapikit nalang ako.

I'm sorry.. I'm really really sorry.

*BANG!!"

"Patawarin mo ako" napa mulat ako at halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng makita si mama sa harapan ko.  ”Anak"

Napatingin ako sa dibdib ni mama at halos mapaluhod ako ng makita ko ang tama ng baril sa tiyan nito.

"Ma" sinalo ko sya at pareho kaming napaupo sa sahig.

"Oh my god ma!! S-sorry.. Sorry po... Mama.  B-bakit po. Mama koo wag po please wag.  Mama" humikbi ako ng humikbi, hindi ko halos mahawakan si mama dahil sa nagawa ko. Para akong baliw na hindi alam kung paano ako hihingi ng tawad kay mama. Bakit ko ba nagawa 'to bakit ko nagawang barilin ang mama ko..

"Amira!!" Tumakbo palapit sa amin si Jes. Nagulat ito ng makita si mama na may tama ng baril.

"T-tita"

"M-ma s-sorry po. Sorry...." Patuloy ang mga luha sa pagbagsak dahil sa takot na nararamdaman ko.. Antanga tanga ko.

"Shhh.. Hindi mo k-kasalanan anak." Pinilit ngumiti ni mama. “Amira anak" hinawakan nya ang pisngi ko.

"Patawarin mo ako dahil sa pagsisinungaling ko.." May tumulong luha sa mata ni mama.

"Sana mapatawad mo ako dahil di ko sinabi sa iyo ang totoo. Sorry sa mga kasalanan ko ha" napa iyak ako lalo.

Umiiling ako ng umiiling "Alam ko napaka laki ng pagkukulang ko sa iyo bilang ina. Lalo na di ako ang tunay mong ina na nagsilang sayo kaya patawarin mo ako anak ko." Pinilit nya akong inabot para yakapin kaya ako na mismo ang yumakap sa kanya.

Humiwalay sya sa yakap at tinignan ako sa mata. Ngmumiti sya "mag iingat ka. A-at.. W-wag kang magagalit kay Z-zorren anak ko. Hindi nya kasalanan kung bakit ko ginawa ito, ginawa ko ito dahil ina ako. Alam ko ang mararamdaman ni Christine sa oras na si Zorren ang mabaril. At m-mas gusto kong maging m-masaya ka kasama sya. K-kaya sana anak."

"Ma"

"Shh. Anak... Sa araw na maging isa kanang ganap na ina, gagawin mo lahat para sa anak mo ha. D-dahil lahat ng ina ay di nagkakamali ng desisyon para sa kanilang mga anak. Dahil mas pipiliin nilang sila ang mahirapan kesa k-kayo"

Ngmiti sya sa akin at si Jes naman ang tinignan nya. Lumapit sa kanya si Jes at hinawakan nito ang kamay ni mama. “Jes, w-wag mong pababayaan si Amira ha. W-wag mong pababayaan ang kapatid mo please.."

Napatigil ako sa pag hagulgol ng iyak dahil sa sinabi ni mama.

Kapatid mo? Kapatid ako ni Jes??.

Ngumiti si Jes at pinipigilan nito ang maiyak. "Opo.. Hindi ko sya pababayaan" tumingin si Jes sa akin at binigyan ako ng isang magandang ngiti. “Hindi ko na hahayaan pang malayo sa kapatid ko ng matagal" tumulo ang luha nito habang naka tingin sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Seryoso ba 'to? Ibig sabihin si Jes nga talaga yung nasa picture na yun at yung sanggol na buhat ng isang babae dun ayy.... Ako.

"Anak. Amira." Nanghihinang hinawakan ni mama ang mukha ko. “M-mahal kita" napatingin ako sa kanya ng diretso at nagulat nalang ako ng pumikit na sya.

"Ma. Mama.!!" Tinapik ko ang mukha nito pero di na nya minumulat ang mata nya.

Napa-iling ako. "Hindi. Hindi.. Hindi mama.!! Wag please. Ma!! Mama gumising ka!! Mama...." Wala na akong nagawa kundi ang yakapin nalang sya at humagulgol ng iyak..

Si mama.  Wala na sya...

Sobrang ingay ang naririnig ko dahil sa mga putok ng baril na naririnig ko. Pati ang mga sigaw ng mga taong napapatay. Napatulala nalang ako habang pinapanuod ko si mama na naka higa at naliligo sa sarili nyang dugo.

Wala na yung mama ko... Napatay ko sya at sarili kong kagagohan yun. Hindi ko man lang sya nagawang iligtas kahit minsan lang samantalang sya palagi nya akong nililigtas pero ako hindi at sa pagkakataong ito pinili nya ang kaligayahan ko bilang babae. Niligtas nya si Zorren para makasama ko.

Pero bakit?? Bakit kailangan nyang mamatay pa?? Bakit nya kailangan pang mag buwis ng buhay para lang sumaya ako? Bakit pa nya kailangang mamatay para lang malaman ko ang totoo na si Jes ay kapatid ko?. Bakit?? Andaming bakit?...

"AMIRA!!!!"

Napa buka ng mahagya ang bibig ko dahil sa sakit ng likod ko dahil may kung anong tumama sa akin.

Napalingon ako kay Zorren na tumatakbo palapit sa akin. Habang nakatingin ako sa kanya unti unting umiikot ang nasa paligid ko. Unti unting umiikot ang paningin ko hanggang sa tuluyan ng dumilim at nawalan na ako ng malay.

~*~

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon