Chapter 31

8.6K 380 8
                                    


~*~


Mikay's POV

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko kay Zorren..

Eh paano, bigla bigla nalang namang nag aaya sa mall. Ni hindi na nga ako nakapag bihis dahil bigla bigla nalang nya akong hinihila paalis, naka tsinelas pa nga ako tapos yung buhok ko kaya puyod pa ng pang manang.

"Basta" sagot nito at hinila ako papasok.

"Zorren ano ba, teka lang tignan mo nga itsura ko losyang na losyang ako ni di man lang ako nakabihis oh" sagot ko kaya huminto ito at hinarap ako.

Losyang nanga lang ako dagdag mo pa yung salamin na naka suot sakin edi lola na. .

"Pinagtitinginan nadin ako. Nakakahiya.." mahinang sabi ko at tumingin sa paligid ko. Andami nga nilang naka tingin sa akin. Pero parang di naman yata ako ang tinitignan nila kundi si Zorren.

'Psh mga epal'

Sambit ko nalang sa isip ko ng makita ang ialng babaeng nagpapacute kay Zorren.

"Kaya nga tara na" sambit nya at hinila nanaman ako.

"Wait. Saan tayo pupunta?" Tanong ko dahilan para mapahinto nanaman kami.

"Sabi mo losyang kana kaya magbibihis ka" sambit nya at hinila na ako. Kaya wala nakong nagawa kundi sumunod.

Pumunta kami sa isang parlor boutique.

"Percy" tawag ni Zorren sa kung sino.
Bigla namang may lumabas na lalaki? Babae? Uhmn.? Ano ba talaga?

Ah okey. Confirm!!.

"Ow, hi master welcome back" sambit nito, bakla nga. Yung kaseng pananalita nya may konting ipit tapos nagpapacute din kay Zorren. Nang nahagip nya ako ng tingin kumunot bigla ang noo nito.

"Oy wait, sino ka?" Lumapit sa akin yung bakla at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aba naman. Iba na yata to ah.

"Siya si Amira," pakilala sa akin ni Zorren.

Kaya tinigan ko yung bakla at tinaasan ng kilay. Hmnf. Akala mo ha. Tsk.

"Ayusan mo sya" sambit ni Zorren at aalis na sana.

"Wait!!.... Master" pag tawag nya uli dito dahilan para mapatigil si Zorren.

"Yes?" Tanong nito at lumapit uli sa amin.

"Bakit ko naman aayusan yan? Eh parang galing lang yan sa kung saan" sambit nya at tila ba parang nandidiri pa. Ay wow!

Punyetang bakla to. Anong tingin nya sa akin pulubi?

"Percy she's my Girlfriend" sambit ni Zorren at hinawakan ang kamay ko. Napatakip nalang naman sa bibig yung Percy daw habang nanlalaki ang mata.

"Oh my gosh!. P-pero bakit ganyan sya?" Nahihiyang sabi nito at tinuro ako. Hindi padin mawala ang nandidiring tingin nito. Hindi nama ako nakatapak ng tae, hindi din naman madumi ang damit ko at lalao na ang balat ko. Maayos naman pero bakit ganyan siya magreact..

"Kakatapos nya lang kase maglinis ng bahay nila kaya ayan ganyan itsura nya. Tsaka hindi ko na sya pinagbihis dahil para sa akin maganda padin sya" sambit ni Zorren at kinindatan pa ako.

Napa-taas naman ang isa kong kilay. Halatang napipilitan ang gago.

"Tanga ka Amira! Nagpapanggap kayo remember?"

Nerd's Life |Campus Gangster Meets Miss Nerd|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon