Tame #49

3.8K 64 8
                                    

Starr

"Hi Amarie. Hi ladies" nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong photography magazine at nakita ko si Kihan na nakatayo sa likod ni Brea. Ngumiti sya sakin ng magtagpo ang mga mata namin. I smiled back.

"Okay ka lang?" mukha kasi syang nashock na ewan. I even caught the bitches giving each other meaningful stares. Bakit na naman?

"Ah wala, wala. Hehe"

"You're weird. Brea, may practice ba tayo ng musical ngayon?"

"Hmm ang alam ko wala eh. May meeting daw kasi si Miss S"

"Ganun? Sayang naman"

"Bat ganado ka ata magpractice ngayon? Diba ayaw na ayaw mo nga nyang Musical na yan?" Mariko curiously asked.

"Bakit bawal na bang magbago ng isip?" inignore ko na lang ang tinginan nila at saka sinarado ang magazine na nasa harap ko. "Hay, wala tuloy magawa. Boring. Ah! Mag soccer nalang tayo, Kihan! Kayo, gusto nyong maglaro?"

"Ay nako pass ako jan. Ayokong pawisan noh" Brea replied.

"Kaw Mariko? Shen?"

"Ah may pupuntahan pa nga pala ko nalimutan ko. Ngayon ko lang naalala. Haha. Kayo na lang"

"May tatapusin pa nga pala kong project"

Sabay sabay silang nagtayuan na tatlo. Mga pauso ng mga to talaga.

"Ang tatamad nyo! Dami nyong palusot! Halatang halata namang hindi totoo"

"Hahahaha buti alam mo. Bleh!"

"Bye Starr!"

"Kaw Kihan? Anong alibi mo?" lumapit sa tabi ko si Kihan saka pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Aray naman, Kihan!"

"Kaw talaga, Amarie. Wala akong alibi noh. Tara? Siguruhin mo lang na matatalo mo ko!" sagot nya sabay tayo at tumakbo palayo sakin. "Pag nauna ko sa soccer field ililibre mo ko ng madaming ice cream ah!!" sigaw nya habang mabilis na tumatakbo palayo. Napatayo naman agad ako.

"Aish! Andaya mo! Humanda ka sakin pag nahabol kita!"

"Kung kaya mo! Hahaha"

Sa sobrang bilis nyang tumakbo, agad na syang nawala sa paningin ko. Mukhang seryoso talagang magpalibre ng ice cream yung mokong na yun ah. Napabilis din ang takbo ko para abutan sya pero hindi ko agad napansin yung taong biglang sumulpot sa harap ko pagliko ko.

"A-araayy! Ansakit!"

Napaupo ako sa lakas ng impact kasi nga ang bilis ng takbo ko. Napatigil ang paghimas ko sa balakang ko ng mapansin ang nakalahad na kamay sa harap ko. Tumingala ako at hindi ko na nagawang pigilin ang ngiti sa mga labi ko saka kinuha ang nakalahad nyang kamay.

Dug dug.

Hay naku ayan na naman ang puso ko. Nagwawala na naman dahil nahawakan ko ang kamay nya. So what kung blanko lang syang nakatingin sakin? Masaya parin ako na mahawakan ang kamay nya.

"Thanks"

"Wag ka kasing lalampa lampa" sabi nya saka ako nilampasan.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon