Tame #53

3.8K 86 33
                                    

Starr

Kanina pa kami nakatayo sa may fountain ng ospital pero wala parin ni isa samin ni Jared ang nagsasalita kaya nagpasya na kong ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Kung wala ka namang sasabihin, babalik na ko"

"Ang gwapo pala ng anak mo" napahinto ako sa pag-alis. "I heard he's sick"

"Kung yun lang ang pinunta mo, umalis ka na lang. Hindi ko kailangan ng awa mo"

"Starr, I'm sorry" he grabbed my wrist. Humarap ako sa kanya and give him a blank expression.

"For what? May ginawa ka bang nakasakit sakin?"

"For everything...I guess" he looked away.

"Kung hindi mo alam ang dahilan bakit ka nagsosorry, wag mo na lang sabihin. I have enough of that word today. You don't even know that a simple sorry can hurt a lot kaya wag na wag mo na lang banggitin sa harap ko ang salitang yan"

"Am I hurting you so bad?"

Ngayon ko lang napansin na wala na ang coldness na nakikita ko noon sa mga mata nya tuwing tinitingnan nya ako but my face remained blank.

"No. Narealize ko na kasi na hindi titigil ang mundo ko para sayo"

"You're lying"

"Right. Buti naman hindi ka pa pala ganun kamanhid para di maramdamang nasasaktan mo ko. I'm lying when I said I'm not hurting. Pero totoo ang sinabi kong hindi titigil ang mundo ko para sayo"

"Kaya ka ba nagbago? Kaya ba wala na naman akong makitang emosyon sa mga mata mo?"

"I can change for the better. But that doesn't mean I can never change back to what I used to be"

"Is it because--"

"Sa sobrang daming dahilan bakit mas pinili kong bumalik sa dati, lahat sila nagkakaparepareho sa isang dahilan. Lahat sila nakakasakit na. Sad to say, karamihan sa dahilan na yun ay ikaw mismo. Loving you doesn't give you the reason para saktan ako ng paulit ulit"

Iniwan ko syang natitigilan. I had enough pain since last night. Opening my heart to care for somebody left me to become so vulnerable. Napakadali lang nila kong masaktan but right now, I can no longer handle it.

"Salamat nga pala sa cookies. The best cookies ever"

Hindi na ko lumingon sa huling sinabi nya. Kung alam nya lang na ginawa ko yun habang patuloy sa pagtulo ang luha ko, masasabi nya pa kayang yun ang the best cookies ever?

Napakabusy ng mga sumunod na araw ko. Sa umaga papasok ako sa school tapos paguwi pupunta ko ng ospital para bantayan si Lucio. Madalas nga dun na ko natutulog para samahan sya tapos aalis ng maaga para umuwi sa mansion para lang maghanda sa pagpasok. Kung pwede lang wag na ko pumasok para makasama sya ng mas matagal ginawa ko na. Hindi naman ako nagrereklamo na napapagod na ko. Mas gusto ko nga yun dahil nawawala sa isip ko ang sakit sa puso ko.

Pilit kong iniiwasan si Jared pero sa hindi ko malamang dahilan, lagi syang tumatabi sakin sa klase kahit hindi ko sya pinapansin. Ginagawa ko syang parang hangin lang na hindi nakikita. Pag rehearsal nga lang, katabi nya si Fia. Hindi naman ako apektado dahil pinilit kong gawing bato ang puso ko para hindi na maapektuhan.

"Patingin nga ko ng Underground! Bilis!" a girl seemed frantic about something habang inaagaw ang tablet sa kasamang babae.

"Teka! Ako muna! Breaking news to! Ako muna titingin!"

"Babasahin ko na lang ng malakas para marinig nating lahat okay??"

Kailan ba sila magsasawang pakelaman ang buhay ng ibang tao? Siguro sobrang boring ng buhay nila para maging interesado sa buhay ng iba.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon